Richard Gomez reveals daughter Juliana has suitors now

IMAGE Glenn Regondola

Richard Gomez on his artworks: "Gusto ko laging may movement. Kaya I paint sa malalaking canvas para I can really move freely. Dun makikita yung brush ng mga paint, gusto ko may energy, may power. Yung ganitong klaseng painting, ang tawag dito ay abstract expressionism."


Aminado si Richard Gomez na kung siya ang masusunod ay bawal munang magka-boyfriend ang nag-iisang anak nila ni Lucy Torres na si Juliana Gomez, 17.

Pakiramdam niya ay mayroon nang mga gustong manligaw sa anak, pero hangga't maaari raw sana ay huwag muna itong i-entertain ng kanyang dalagita.

“Siyempre, once in a while, may nanliligaw.

“May umiikot-ikot sa gilid, e.

“Pero wala pa, wala pa yata!” natatawang sabi ng mayor ng Ormoc City.

Galing daw sa kanyang asawa na si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez ang kuwentong may mga nagkakagusto na kay Juliana.

Natatawang kuwento ni Richard, “Sabi nga ng mommy niya, ‘Alam mo, marami na ang nanliligaw sa iyong anak.’

“Sabi ko, ‘Oh my God, heto na 'to, heto na yun!’

“Nanlalamig yung batok ko!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-politician sa art exhibit niya na tinawag na "SURFACE," na ginanap sa Pinto Art Gallery, sa Antipolo City, noong December 17.

GOMA’S ARTWORKS. Ang painting exhibit for a cause na ito ay binuo ni Richard mula sa halos tatlong taon niyang pagpipinta ng abstract paintings.

Saad niya, “Actually, ang pinanggalingan nito ay para panglinis ng utak ko, I usually paint in the morning when I wake up.

“And then, yung nakaka-affect nung painting ko ay yung mga circumstances, yung mga nangyayari.

“Like, for example, itong sa likod, yung Yolanda. Nangyari sa amin yung Yolanda.


“So yun, yun yung representation ng ginawa ko.

“Yung isa naman, yung kulay pula, it's about the earthquake naman. Yung 6.4 Magnitude.


“Tapos ako, gusto ko laging may movement.

“Kaya I paint sa malalaking canvas para I can really move freely.

“Dun makikita yung brush ng mga paint, gusto ko may energy, may power.

“Yung ganitong klaseng painting, ang tawag dito ay abstract expressionism.”

Nabanggit din ni Richard kung saan mapupunta ang proceeds ng mga nabentang obra niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 51-year-old actor-politician, “Yung proceeds dito ay mapupunta sa mga bata sa amin [sa Ormoc].

“I want to build a playground for them.

"Kasi, sa gitna ng city, kung saan kami ikinasal, right there in front, may playground for children, pero walang playground facility.

“So, yun ang gusto kong gawin.”

Mapupunta rin daw ito sa foundation na itinayo niya sa mga kabataan.

“Yes, we have kids foundation, yung Kabataan Iwas-Droga Sa Tulong ng Sports.

“I established this foundation in 2012. Lahat dito ay mapupunta doon."

Tatakbo ng isang buwan ang SURFACE art exhibit ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN