Aiza Seguerra reiterates gender preference: "I am a TRANSGENDER MAN."

IMAGE Instagram photo of Ice Seguerra

Aiza Seguerra: "I am a TRANSGENDER MAN. Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun."


Muling nakiusap si Aiza Seguerra na bigyang respeto ang desisyon niyang magpalit ng gender preference.

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, December 20, nakiusap ang chairperson ng National Youth Commission sa mga kamag-anak at kaibigan kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya.

Mensahe niya: “Dear Family and Friends,

“I am a TRANSGENDER MAN.

“Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun.

“May ilang taon na rin ang nakakalipas when I first came out.

“Yes, I came out as transman 3 times already.

“May iba siguro sa inyo ang hindi pa nakakaalam but mas maraming alam na 'to.”

Kasunod nito, sinabi ni Aiza na gusto niyang gamitin ang mga panghalip na para sa lalaki bilang pantukoy sa kanya.

“This is just a reminder. PLEASE REFRAIN from calling me ATE, TITA, SIS, NINANG (mga inaanak, subukan niyong tawagin akong ninang, I swear wala kayong regalo sa pasko), SENYORA, MA'AM, at ang favorite ko sa lahat MADAME. Huwag din po gamitin ang she, her, at kung ano pa.

“This is how I see myself and I would appreciate if people around me, especially family and friends, will respect that.

“If you do not understand kung ano ang transman, PM me and I will gladly explain.”

Sa huli, sinabi rin ni Aiza na mas gusto niyang tawagin siya sa pangalang "Ice."

“Also, please CALL ME ICE.

“Yes. ICE.

“Yun lang po. Maraming salamat!”

Unang umaming lesbian si Aiza noong 2012.

Matapos ang dalawang taon, noong 2014, ipinaalam ni Aiza sa publiko na isa siyang transgender man.

Sa taon ding ito ikinasal si Aiza sa aktres na si Liza Diño.

Maybe I need to come out quarterly dito sa IG Dear Family and Friends, I am a TRANSGENDER MAN. Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun. May ilang taon na rin ang nakakalipas when I first came out. Yes, I came out as transman 3 times already. May iba siguro sa inyo ang hindi pa nakakaalam but mas maraming alam na 'to. This is just a reminder. PLEASE REFRAIN from calling me ATE, TITA, SIS, NINANG (mga inaanak, subukan niyong tawagin akong ninang, I swear wala kayong regalo sa pasko), SENYORA, MA'AM, at ang favorite ko sa lahat MADAME. Huwag din po gamitin ang she, her, at kung ano pa. This is how I see myself and I would appreciate if people around me, especially family and friends, will respect that. If you do not understand kung ano ang transman, PM me and I will gladly explain. Also, please CALL ME ICE. Yes. ICE. Yun lang po. Maraming salamat!

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

LIZA'S COMMENT. Sa kanyang Facebook account ay nagkomento naman si Liza tungkol sa post ni Iza.

Sabi ng chairperson ng Film Development Council of the Philippines, "At least this time around, sya na nag-out sa sarili nya hindi ako. hahaha! So alam na this---ICE SEGUERRA. Not Aiza, not Aiz. Just ICE. How 'COOL' is that?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN