Lotlot de Leon on Rayver Cruz: "Sana sagutin na siya ni Janine!"

IMAGE Melo Balingit / Lotlot de Leon Instagram

Lotlot de Leon on daughter Janine Gutierrez's suitor, Rayver Cruz: "I know he's sincere. Sincere siya kung anuman ang pakay niya. Hindi naman para bilugin pa ang ulo ko o ano. Hindi ganun, e."


Natutuwa si Lotlot de Leon dahil, bilang manliligaw ng kanyang anak na si Janine Gutierrez, mabait daw si Rayver Cruz.

Wala naman siyang masasabi sa binata, boto rin siyang maging boyfriend ito ng kanyang anak.

Pahayag ng aktres, “Mabait si Rayver. I've known him since he was fourteen [years old].

“Matagal ko nang kakilala ang batang 'yan, and I've worked with him already.

“We had a show in ABS-CBN, and almost every day magkasama kami niyan.

“So, kilala ko 'yan.”

Ang pinagsamahang programa nina Lotlot at Rayver ay ang fantasy series na Spirits (2004-2005).

Ibig bang sabihin nito ay boto siya sa Kapamilya actor?

Sagot ni Lotlot, “Actually, natuwa ako, kasi kilala ko nga siya, e.

“And I know he's sincere. Sincere siya kung anuman ang pakay niya.

“Hindi naman para bilugin pa ang ulo ko o ano. Hindi ganun, e.”

Natatawa pa niyang sabi, “Sana sagutin na siya ni Janine!” 

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot bago pa man magsimula ang shooting ng pelikulang Almost A Love Story ng BG Productions noong isang linggo.

Si Lotlot ay isa sa cast members ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Sa Italy kinukunan ang karamihan ng mga eksena rito.

STILL JANINE'S DECISION. Ayon kay Lotlot, susuportahan niya ang dalawa kapag naging pormal na ang relasyon ng mga ito.

Aniya, “Oo, di ba?

“I mean, if that's what Janine wants also. Siyempre, susuportahan ko ang anak ko.

“Diskarte na niya [Rayver] yun, e. Kumbaga, ako, dito lang.

“Pero alam ni Janine na gusto ko si Rayver for her.

“Alam niya na approve ako for her.

“But of course, in the end, that's her decision.”

Anu-ano ba ang mga ginagawa ng suitor ng kanyang anak para mas lalo pa itong mapalapit sa kanilang pamilya?

Ayon sa 46-year-old actress, “Napakanatural kasi nung tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman siyang ere, e. What you see is what you get, e.

“So, yun pa lang, natutuwa na ako sa kanya. 

“And he gets along well with all the kids, so nagkakaroon din sila ng mga bonding if they go out.

“They spent time together, so napapalapit na talaga siya sa family.”

May pakiramdam ba siyang sasagutin ni Janine si Rayver?

Pasubali ni Lotlot, “Hindi ko alam, e.

“You know, there's nothing wrong if she also takes her time, lalo na ngayon na tuluy-tuloy ang mga ganap niya, marami siyang trabaho.

“But, of course, hindi rin masama kung magkakaroon siya ng inspirasyon, gaya ni Rayver.

“Pero, at the end of the day, it boils down to her decision.

“Whatever she decides, nandito lang kami to support her decision.”

Pagdating nga sa buhay pag-ibig ng kanyang anak, bukas naman si Lotlot, pero ayaw niyang makialam kung ano ang gusto ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN