Derek Ramsay to quit showbiz after getting married

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay on settling down: "Nakita n'yo naman ako, sobrang saya ko ngayon sa buhay ko, di ba? Tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin, iba ang hitsura ko, tuwang-tuwa ako. Sana yung istorya ko, dun na papunta."


Pinag-iisipan pala ni Derek Ramsay na mag-quit sa showbiz kapag kasal na siya.

Wala pa siyang sinasabi kung kailan ang balak niyang magpakasal, pero napapag-usapan na raw nila ito ng non-showbiz girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Iyon nga lang, kapag kasal na siya, malamang tigil na rin siya sa pag-aartista.

Pahayag ni Derek sa panayam sa kanya ng Showbiz Talk Ganern sa DZRH, noong Lunes, December 18, “Kapag ikakasal ako, ba-back down na ako sa showbiz.

“Kilala niyo ako, pag may ginawa ako, di ba, sobrang focused ko? Kagaya sa sports ko, sa career ko.

“So, pag ginawa ko yun, gusto ko naka-focus na ako sa pamilya ko.”

Sabi pa ng aktor, “Pag kasal kasi… ako, hindi puwede na pag kasal lang, tapos diretso na balik ng trabaho.

“Ako, hindi. Mag-focus muna para gawing stable ang marriage, tapos tingnan natin kung ano ang mangyari sa showbiz career ko.

“Kilala ko sarili ko, e. Pag mangyari yun, gusto ko mag-focus talaga sa pamilya ko.”

GIVING HIS ALL. Kung sakaling may dumating na offer, pag-iisipan daw ni Derek dahil mahal na mahal niya ang showbiz.

“Parang ganun ang mangyayari,” pakli ng lead actor ng MMFF 2017 entry na All of You.

“Maybe I’ll do a movie here and there, but… I’m not sure.

“I have to really give it a lot of thought over the holiday, to figure out what I’m going to do.

“Pero mahal na mahal ko ‘tong ginagawa ko, so it’s not really easy to turn my back.

“Tingnan n’yo naman, ilang beses kong tinatalikuran ang Frisbee, pero pabalik-balik ako.

“So, you know… yung kasalan, it’s really a big responsibility, commitment.

“I want to give it all of me, para alam kong hindi lang ano,” dagdag niyang pahayag.

Hindi pa raw niya ito nasasabi kay Joanne. Pero iyon ang gusto niyang mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Derek, “Si Joanne naman is very supportive of whatever it is I want to do. Hindi niya ako pini-pressure.

“Hindi niya ako pinipigilan if ever ikasal kami na kailangan ko na mag-quit sa showbiz. Wala siyang ganun.”

Alam daw niyang magiging masaya siya sa piling ng magiging asawa, kaya kailangang iyon muna ang focus niya kung sakaling ikakasal na sila.

“Nakita n’yo naman ako, sobrang saya ko ngayon sa buhay ko, di ba?

“Tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin, iba ang hitsura ko, tuwang-tuwa ako.

“Sana yung istorya ko, dun na papunta,” nakangiting pahayag ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN