Miguel Tanfelix reveals he gets more gifts from Bianca Umali than vice versa

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali can't help buying things for Miguel Tanfelix, admitting, "Kapag may nakita ako na something na alam kong magugustuhan niya, bibilhin ko yun for him." Miguel reacts, "Babawi ako kay Bianca… ako naman ang magiging galante."


Pagdating sa pagbibigay ng regalo sa isa’t isa, aminado si Miguel Tanfelix na mas galante ang ka-love team niyang si Bianca Umali.

Hindi naman ito kinontra ng Kapuso teen actress.

Sabi ni Bianca, “Alam talaga ni Miguel na mas galante ako when it comes to giving gifts.

“Kapag may nakita ako na something na alam kong magugustuhan niya, bibilhin ko yun for him.

“Nakakatuwa lang kapag sinu-surprise ko siya, especially kapag may okasyon, like birthday niya and Christmas.” ngiti ni Bianca.

Si Miguel naman daw ay hindi na kailangan ng anumang okasyon para maregaluhan si Bianca.

“Madali lang kasing regaluhan si Bianca. Konting pa-cute ko lang okey na sa kanya!” natawang sabi ng binata.

“Pero this year, babawi ako kay Bianca. 

“Marami na siyang naregalo sa akin, kaya ako naman ang magiging galante.”

Ano ba ang Christmas gift nila sa isa’t isa?

Sagot ni Bianca, “Secret na lang po iyon.

“Pero kung kilala niyo si Miguel, iilan lang ang gusto niya talaga.

“Isa doon sa mga paborito niya ang Christmas gift ko.” 

Ayon naman kay Miguel, “Pinag-ipunan ko po yung Christmas gift ko kay Bianca. 

“Pinag-isipan ko talaga yung ibibigay ko at alam kong magugustuhan niya.”

Ano naman ang regalo nila para sa kanilang sarili?

Ani Bianca, “Na-advance ko na po yung Christmas gift ko, yung ginagamit kong car ngayon, iyon na yun. 

“Wala naman akong kailangan pa ngayon, ipunin ko na lang yung mga kinikita ko.

“Kapag may gusto ako ulit, may mapagkukuhanan ako.”

Sabi naman ni Miguel, “Wala rin akong binili para sa sarili ko, mas inuna ko ang pamilya ko.

“Save lang po ako ng save ngayon kasi may gusto akonh bilhin next year na.”

CHRISTMAS WITH FAMILY. Dahil busy sina Bianca at Miguel sa taping ng GMA primetime series nilang Kambal, Karibal, hindi raw sila nakapagplano ng lakad ngayong Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kani-kanilang pamilya daw nila ise-celebrate ang Pasko.

Lahad ni Bianca, “Traditional Christmas celebration naman po kami every year.

“Bihira po kasing may nawawala sa amin during Christmas. 

“Gusto namin ay sama-sama kami sa noche buena tapos opening of gifts.

“Yun na kasi po ang nakagisnan kong klase ng Pasko since maliit pa ako.”

Halos pareho rin daw ang Christmas tradition sa tahanan nila Miguel.

Ayon sa kanya, “Sama-sama din po kaming lahat. Walang absent during Christmas.

“Ang pinagkaiba lang ngayon, mas ako ang gumagastos para sa ihahanda sa noche buena.

“Basta po kailangan nandun yung mga pagkain na nakasanayan na naming kainin tuwing Pasko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN