Pokwang rants about neighbor's videoke session after curfew

IMAGE Noel Orsal

Pokwang to her neighbor: "Ok naka video lahat ng talak mo at pagbabanta samin at pagmumura mo sa mga kasambahay ko. merry christmas sayo and goodluck!"


Idinaan ni Pokwang sa social media ang hinaing tungkol sa kanyang kapitbahay sa isang exclusive subdivision sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa 47-year-old Kapamilya comedienne, pinagmumura at binantaan daw sila ng naturang kapitbahay dahil sa isyu ng videoke.

Sa pamamagitan ng Instagram noong December 19, ikinuwento ni Pokwang ang insidente tungkol sa kapitbahay nilang inabot diumano ng madaling-araw sa pagbi-videoke.

Hindi raw sumunod ang kanilang kapitbahay sa 10 P.M. ban sa mga nagbi-videoke.

Lahad niya, “Ask ko lang po, hindi po ba na may bagong batas ngayon na dapat ang karaoke ay hanggang 10pm lang, lalo na sa mga residential area?

“E, yung halos apat hanggang limang dipa lang ang layo sa 'yo ng ingay? Pano yon? At halos 12:15 am na di pa sila tapos mag-atungal!”

Ayon pa sa komedyana, nauunawaan niyang panahon ngayon ng Pasko, subalit nakakaistorbo raw ang kanilang kapitbahay sa kanya, na walong buwang buntis, at sa kanyang ina na may karamdaman.

“Alam ko magpapasko kaliwat kanan ang party, pero sana wag naman abuso sa oras at alamin kung nasa tamang lugar nga ba ang pag iingay.

“Si nanay may sakit di makatulog kasi tapat ng bintana nya ang atungal ng karaoke, ako naman 8 months preggy na hirap na rin matulog dahil sa kalagayan ko.”

Sinikap daw ng kanyang kasambahay na pakiusapan ang kanilang kapitbahay, subalit nagalit lang daw ito at sinumbatan pa sila.

Kuwento ni Pokwang, “Tapos ng pinakiusapan ni yayey Annie na baka po pwede pakihinaan na po.... ABA!!!! nagwala na si tatang!!! nagsisisigaw na at ang tapang!! may pagbabanta na!!!!

"Wag daw kami magpapa-party kasi babasagin daw nya mga sasakyan ng bisita ko? Kelan ako magpapa-party? Pano? Sa kalagayan ko ngayon na bed rest?

“Bakit daw kapag kami nagpapa shooting di daw sila nagrereklamo! Shooting???? kelan? ah... backpack yon tatang hindi shooting! isang camera lang yon para sa i can do that! at 3pm kami nag-start natapos ng bago mag 6pm! na istorbo ka na agad sa ganon kaaga? kumpara sa 12:15am na atungal nyo???”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Pokwang, nakunan ng video ang pagbabanta at pagmumura sa kanila ng kanilang kapitbahay.

Plano raw niyang ireklamo ang isyu sa homeowners’ association ng kanilang subdivision.

“Ok naka video lahat ng talak mo at pagbabanta samin at pagmumura mo sa mga kasambahay ko. merry christmas sayo and goodluck!

"sasabihin ko soon kung saang EXCLUSIVE SUBDIVISION ito sa Antipolo kapag hindi inayos ito ng HOA president!”

So ito na nga nangyari ito kanina madaling araw 12/20/2017 12:15am ask ko lang po, hindi po ba na may bagong batas ngayon na dapat ang karaoke ay hanggang 10pm lang lalo na sa mga residential area? e yung halos apat hanggang limang dipa lang ang layo sayo ng ingay? pano yon? at halos 12:15 am na dipa sila tapos mag atungal! alam ko magpapasko kaliwat kanan ang party pero sana wag naman abuso sa oras at alamin kung nasa tamang lugar nga ba ang pag iingay. si nanay may sakit di makatulog kasi tapat ng bintana nya ang atungal ng karaoke, ako naman 8months preggy na hirap narin matulog dahil sa kalagayan ko, tapos ng pinakiusapan ni yayey Annie na baka po pwede pakihinaan na po.... ABA!!!! nag wala na si tatang!!! nag sisi sigaw na at ang tapang!! may pagbabanta na!!!! wag daw kami mag papa party kasi babasagin daw nya mga sasakyan ng bisita ko? kelan ako mag pa pa- party? pano? sakalagayan ko ngayon na bed rest? bakit daw kapag kami nag papa shooting di daw sila nag re reklamo! Shooting???? kelan? ah... backpack yon tatang hindi shooting! isang camera lang yon para sa i can do that! at 3pm kami nag start natapos ng bago mag 6pm! na istorbo kana agad sa ganon kaaga? kumpara sa 12:15am na atungal nyo??? ok naka video lahat ng talak mo at pag babanta samin at pagmumura mo sa mga kasambahay ko. merry christmas sayo and goodluck! sasabihin ko soon kung saang EXCLUSIVE SUBDIVISION ito sa Antipolo kapag hindi inayos ito ng HOA president!

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN