Gabbi Garcia aims for work-life balance in 2018

IMAGE Noel Orsal

"Hindi naman pwedeng magpakalunod ka sa trabaho," says Gabbi Garcia about her New Year's resolution, which is to achieve work-life balance.


Punung-puno ng pasasalamat ang Kapuso star na si Gabbi Garcia sa mga oportunidad na naibigay sa kanya ngayong taon, lalo na ng home network niyang GMA-7.

Pahayag ng 19-year-old actress, "I'm just really thankful for what happened to me this 2017.

"I've been really blessed. I've learned a lot this 2017.

"I've done so much for me, for my family, and for the people who support [me]."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa press conference ng GMA Online Exclusives kahapon, December 20.

Dalawang bagay raw ang pinaka-goal ng actress-singer para sa kanyang buhay: "To be successful and to be genuinely happy."

Sa katunayan, ngayong darating na Pasko, sa halip na materyal na bagay, ang hiling ng dating Encantadia actress ay tuluy-tuloy na trabaho.

"Nothing specific, just really sustainability for my career in 2018," sabi niya.

Ang bagong show ni Gabbi na #Goals ang isa sa mga ila-launch na online shows ng GMA-7 sa 2018.

Kabilang din sa GMA Online Exclusives ang show ni Atom Araullo na Adulting at ang kay Joseph Morong na Fact or Fake.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

GIVING HER BEST. Bukod sa #Goals, mapapanood din si Gabbi sa upcoming series na Sherlock Jr.

Hindi ba nape-pressure si Gabbi sa dami ng mga proyektong ibinibigayr sa kanya ng Kapuso network?

"Pressure is always there naman po for me," sagot niya.

"I feel like it's good to be pressured para hindi ako nare-relax, so that I know there are people who are counting on me and there are people who believe in me.

"I had to work hard to pay back din.”

Hindi rin daw sumasagi sa isip ni Gabbi na mas pinapaboran siya ng network kumpara sa ibang kapwa Kapuso artists.

Aniya, "Basta ako, nagtatrabaho ako kung anuman yung ibigay nila sa akin.

"I make sure na I do my job 101 percent, so it's all about hardwork talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ho kasi ako nakiki-involve...

"I'm concentrating on my work talaga kasi, yun nga, sobrang daming ibinibigay na work for me.

"Siyempre, I make sure na gagalingan ko [sa] lahat."

BALANCE. Dahil sa kanyang mga pinagkakaabalahan, hiling din ni Gabbi na sa paparating na bagong taon ay matutunan na niya ang work-life balance.

"Right now, I'm slowly trying po—balance sa work, balance sa friends and family, nag-i-school din po ako ngayon.

"Parang I'm slowly learning how to balance yung music, acting.

"Sana lang ma-sustain ko po yun kasi, for me, balance is really important.

"Hindi naman puwedeng magpakalunod ka sa trabaho.

"Honestly, mahirap po talaga siya, lalo na kung pinagsasabay mo ang work and school.

"Pero kasi, gusto ko po talaga. Nandun yung eagerness sa akin to really finish and go on with the process."

Sa ngayon, hindi raw alam ni Gabbi kung paano niya nababalanse ang kanyang oras sa trabaho at sa personal na buhay.

"Hindi ko rin po alam kung paano ko nama-manage.

"Pero talagang mine-make sure ko po na nakikipag-coordinate ako sa lahat, na ito ang araw ko sa school at ito ang araw ko sa work.

"Minsan nawawalan ako ng time sa sarili ko, kaya sana ma-balance ko talaga lahat," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN