Angelica Panganiban posts cryptic message about one of the happiest nights of her life

IMAGE Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Masaya si Angelica Panganiban na sa pagtatapos ng taong 2017, naging balanse raw ang buhay niya. 


Ayaw na raw ni Angelica Panganiban ang mga kanegahan sa buhay at gusto na niyang maging laging masaya.

Sa kanyang #latepost sa Instagram kagabi, December 20, ibinahagi ng Kapamilya actress ang isang larawan kung saan kasama niya ang ilang kaibigan.

Kabilang sa larawan ang mga kapwa niya artistang sina Glaiza de Castro, Joem Bascon, Vandolph, Cholo Barretto, Janus del Prado, at Ketchup Eusebio.

Hindi man binanggit ni Angelica kung ano ang okasyon at saan kuha ang larawan, tila Christmas party ito nilang magkakaibigan.

Sa caption ay sinabi ng aktres na iyon ay isa sa pinakamaligayang gabi sa buhay niya.

Lahad ni Angelica, “Dun tayo lagi sa masaya. Isa sa pinaka masayang gabi ng buhay ko.

"Magagawan ko na ng mapa ang 2017 sa dami ng nangyayari sakin, emosyon pa lang.

“Wala pang lugar na na-pwestuhan, sa puyat at byahe sa kakatrabaho.”

Kasunod nito, sinabi ng 31-year-old actress na wala siyang naramdamang pagsisi sa nalalapit na pagtatapos ng taong ito, kahit puro trabaho daw ang inatupag niya.

Pagpapatunay lamang daw ito na "nakabalik" na siya sa sarili.

“Wala na kong boses as of now. (Oo. As in hangin na lang siya) ganito magtatapos sakin ang work season.

"Hayerp din naman!! Nawalan ka na ng boses at nilalagnat ka na, kakatrabaho.

"Pero, masaya ka. Masaya ka, kasi naging balanse ka. Masaya ka. Kasi towards the end, nakabalik ka sa ikaw.

"#LatePostYanTol #NungSundayPaYan #WhiteElephantAngMgaBata 

“Magmahalan tayo jan lagi jan kasi nga san jan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN