ABS-CBN reporter Doris Bigornia hurt in multiple-car collision at EDSA-Shaw tunnel

IMAGE Screengrab from Edison Bong Nebrija's Facebook

Nagtamo ng sugat sa ulo ang ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia matapos banggain ng isang SUV ang sinasakyan nitong crew cab sa Mandaluyong City ngayong hapon ng Huwebes, December 21. 


Kabilang ang ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia sa mga nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa EDSA-Shaw Boulevard tunnel, sa Mandaluyong City, ngayong Huwebes ng hapon, December 21.

Ayon sa mga ulat, nasugatan sa ulo si Doris matapos mabangga ang sinasakyan nilang crew cab ng isang Montero Sport

Tumama raw ang ulo ng reporter sa isang kahon sa loob ng sasakyan.

Kabilang din sa mga nasugatan ang driver ng crew cab at ang cameraman ni Doris.

Ayon sa pinakahuling balita, limang sasakyan ang nagkarombola sa insidente.

Dinala si Doris sa The Medical City sa Pasig at hindi naman daw malala ang tinamo nitong sugat.

Makikita naman sa Facebook posts ng netizen na si Edison Bong Berija ang videos ng insidente. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN