Davao City Vice Mayor Paolo Duterte in social media war with "millennial daughter" Isabelle

IMAGE @mpevents on Instagram / Vice Mayor Pulong Duterte-Official on Facebook

Sinagot ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang patutsada ng kanyang anak na si Isabelle Duterte sa Twitter. Pinagsabihan din nito ang anak sa kahiya-hiya raw nitong pinaggagawa.


Viral ngayon sa internet ang sagutan ng mag-amang Davao City Vice Mayor Paolo "Pulong" Duterte, 42, at Isabelle Duterte, 17, sa social media.

Si Isabelle ang bunso sa tatlong anak ni Paolo sa unang asawa nitong si Lovelie Sangkola Sumera.

May dalawa namang anak ang bise-alkalde sa pangalawa nitong asawa na si January Navares.

Si Paolo naman ang panganay sa tatlong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang asawa nitong si Elizabeth Zimmerman. Kapatid niya si Davao City Mayor Sara Duterte at Sebastian Duterte.

Ngayong Biyernes, December 22, nag-tweet si Isabelle ng mensahe laban sa kanyang sariling ama.

Ayon sa apo ni Pangulong Duterte, sinisira raw ng ama ang kanyang Pasko taun-taon.

Sabi niya, “My dad fu*ks up my Christmas every year. What a time to be alive."


 

Sa isa pa niyang tweet na nasa wikang Bisaya, inakusahan ni Isabelle ang ama ng pambubugbog at pananakit.

“dili ingon naa kay posisyon sa city kay pwede naka mangulata!!!! (Hindi dahil may posisyon ka sa siyudad puwede ka nang mambugbog!!!!)

“di ingon naa kay power kay pwede naka manakit ug tao!!!! tao gihapon na imong gina hilabtan!!!! di lang kay tao, bata na!!!! (Hindi ibig sabihin na dahil nasa puwesto ka ay maaari ka nang manakit ng tao. Tao ‘yan na iyong pinag-interesan!!!! Hindi lang tao, bata 'yan!!!!)

“dili ingon naa kay pangalan pwede naka mag ana!!!! Dili ingon kay Duterte ka, pwede na!!!” (Hindi dahil meron kang kapangyarihan, puwede mo na gawin ang mga gusto mo. Hindi dahil isa kang Duterte, puwede na!!!)

Ilang araw lang ang nakalipas ay pinag-usapan din si Isabelle dahil sa kanyang pre-debut pictorial sa loob ng Malacañang Palace.


PAOLO REACTS. Sa pamamagitan ng Facebook, sinagot ni Vice Mayor Paolo Duterte ang Twitter post ng kanyang anak ngayong gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa wika ring Bisaya, pinagsabihan niya si Isabelle na huwag magpapauto sa kanyang ina at stepfather.

Sinabihan din niya itong mag-aral na lamang dahil wala na raw laman ang utak nito.

Ipinapahiya lang daw ng anak silang mag-ama sa kanyang ginawa.

Narito ang buong Facebook post ni Paolo (published as is):

“Dili ingon nga ug IBUGAW KA KADUHA ANANG TAWHANA MUHILOM LANG KO!!

“Ug kanang imong inahan ug tataytayan way pakialam nimo pwes ako dili!

“Dili tungod kay DUTERTE ko tungod kay AMAHAN KO!!! Pagkambyo ug apelyido ug gusto ka!

“Wala na kay respeto! PAKAULAW LANG KA! PAGSKWELA SA LAGI aron d mablanko imong utok. d na ka kabalo maminaw kay SIKAT kuno ka??

“SIKAT SA UNSA BELLE? SIKAT MUBASTOS UG AMAHAN??! HULAT SA MAMATAY KO USA KA MALIBRE NAKO! IAMPO DAY!

“kabalo ko kitang tanan mapahiya aning post na ni. pero kani imong gusto! dri ta magstorya kay millenial kuno ka, dri ra ka maminaw sa imong number of likes?!

“pwes, wa koy labot ug naa ko sa posisyon o mapahiya ko, ANAK taka! wa koy labot sa uban tao ug mao ra ning kinahanglan aron masayud ka sa imong binuhatan!"

Pahabol pa niya sa huli: “FIX YOUR F*CKING LIFE FIRST before i will stop 'f*cking up' your christmas every year.”

(Translation in Tagalog: “Hindi ibig sabihin na inutusan ka ng dalawang beses ng mga taong ‘yan ay tatahimik na lang ako. Kung walang pakialam ang iyong ina at ama-amahan, puwes ako hindi.

“Hindi dahil ako ay isang Duterte, kundi dahil ako ay isang ama. Magpabago ka ng apelyido kung gusto mo.

“Wala ka nang respeto. Nagpapakahiya ka lang. Mag-aral ka na nga lang para hindi na mablangko ang utak mo.

“Hindi ka na marunong makinig dahil sikat ka na? Sikat sa ano, Belle? Sikat sa pagiging bastos sa kanyang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Antay mo na lang na mamatay ako para maging libre ka na sa akin bilang ama mo. Ipagdasal mo.

“Alam ko na lahat tayo ay mapapahiya nitong post ko. Pero ito ang gusto mo!

“Dito tayo mag-usap dahil millennial daw kasi ikaw, dito ka making sa padamihan ng likes?!

“Puwes, wala akong pakiaalam, anak kita! Wala akong pakialam sa ibang tao kung ito ang paraan para malaman ng mga tao ang pinaggagawa mo.”

May iba pang sinabi si Paolo sa comments section:


(Translation: Natatawa ako sa kanyang tweet. Every year talaga, paano kaya ang Pasko niya noong isang taong gulang pa lang siya.)



(Translation: Paalala: Huwag niyong kalimutan mag-like para manalo ako sa padamihan ng likes sa aking napakabuting millennial na anak. Salamat.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN