Paolo Duterte resigns as Davao City vice mayor; cites failed first marriage as reason

IMAGE Courtesy of GMA Network

Paolo Duterte on his decision to resign as vice mayor of Davao City: "When I was growing up my parents never failed to remind me of the value of the time honored principle of delicadeza and this is one of those instances in my life that I need to protect my honor and that of my children."


Nagbitiw na si Paolo Duterte bilang vice mayor ng Davao City.

Kabilang sa mga binanggit na dahilan ni Paolo sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin ay ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa smuggling ng P6.4 billion halaga ng shabu mula sa China sa pamamagitan ng Bureau of Customs, ang failed marriage nila ng kanyang unang asawa, at ang sagutan nila ng anak na si Isabelle Duterte sa social media.

Inanunsiyo ni Paolo ang kanyang pagbaba sa puwesto sa kanyang speech sa special session ng city council ngayong Pasko, December 25.

Pahayag ng bise alkalde sa kanyang talumpati, “There are recent unfortunate events in my life that are closely tied to my failed first marriage.

"These, among others, include the maligning of my reputation in the recent name dropping incident in the Bureau of Customs smuggling case and the very public squabble with my daughter.

"The other person in this failed relationship is incorrigible and cannot be controlled.

"And I take responsibility for all that has happened as a result of a wrong decision to marry at a very young age."

Unang ikinasal si Paolo kay Lovelie Sangkola Sumera. Mayroon silang tatlong anak, kabilang si Isabelle.

Ang pangalawa at kasalukuyan niyang asawa ay si January Navares. Mayroon naman silang dalawang anak.

Dagdag pa ng 42-year-old politician, “When I was growing up, my parents never failed to remind me of the value of the time-honored principle of delicadeza, and this is one of those instances in my life that I need to protect my honor and that of my children.”

Si Paolo ang panganay sa tatlong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang asawa nitong si Elizabeth Zimmerman. Kapatid niya sina Davao City Mayor Sara Duterte at Sebastian Duterte.

Binanggit din ni Paolo sa kanyang talumpati ang pakikiramay niya sa mga pamilya ng mga nasawi, nawalan ng trabaho, at naapektuhan ng bagyong Vinta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nailathala ang kopya ng kabuuan ng speech ni Paolo sa iba't ibang online news sites.

Pagkatapos ianunsiyo ang kanyang pagbibitiw bilang vice mayor ng Davao City, na epektibo ngayong araw, binura ni Paolo ang kanyang Facebook page.


Stories We Are Tracking

Vice Mayor Paolo Duterte in social media war with daughter
Vice Mayor Paolo Duterte in social media war with daughter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN