Bong Revilla overwhelmed by warm welcome of family and constituents in Bacoor

IMAGE Bong Revilla Jr. Facebook page

Former Senator Bong Revilla Jr.: "Dahil sa biyaya ng Panginoon, matapos ang tatlong Kapaskuhan, nabigyan ako ng pagkakataon na muli itong salubungin kasama ang aking pamilya, at kayo, mga minamahal kong kababayan, sa labas ng piitan."


Taos-puso ang pasasalamat ni former Senator Bong Revilla Jr. sa Diyos at sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya dahil, matapos ang apat na taon, nakapiling niya kahapon, bisperas ng Pasko, ang pamilya sa mismong tahanan niya.

Tulad ng ipinag-utos ng Sandiganbayan First Division, umalis si Bong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame ng alas-onse ng umaga kahapon, Disyembre 24, para bumiyahe sa tahanan nila sa Bacoor City.

Para kay Bong, ang makauwi sa bahay nila sa Bacoor City at makapiling ang pamilya ay isa sa pinakamasayang Paskong naranasan niya.

Mensahe ng actor-politician sa kanyang Facebook page: "Merry Christmas to everyone!

"Isa na po ito siguro sa pinakamagandang Pasko sa aking buhay.

"Dahil sa biyaya ng Panginoon, matapos ang tatlong Kapaskuhan, nabigyan ako ng pagkakataon na muli itong salubungin kasama ang aking pamilya, at kayo, mga minamahal kong kababayan, sa labas ng piitan.

"Kahapon ko lang naramdaman ang matinding pangungulila sa mga nakalipas na taon, nang muli ninyong iparamdam sa akin ang inyong patuloy na pagmamahal at suporta.

"Hindi ko mailagay sa salita ang pag-uumapaw ng galak at pasasalamat sa sidhi at init ng inyong pagyapos at pagtanggap sa akin makalipas ang halos apat na taon.

"In the very short amount of time I was allowed to spend outside jail with you, nakita ko na napakarami ng nagbago kaya lalo po akong na-touch na sa kabila nito, hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ninyo sa akin. Ganundin po ako sa inyo. God is very good!

"Patuloy tayong magtiwala sa Kanyang kadakilaan at galing.

"I love you all so much. Tunay na Maligayang Pasko po sa ating lahat!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN