Sanya Lopez reveals beauty-pageant experience

IMAGE Sanya Lopez Instagram

Sanya Lopez on possibility of joining a beauty pageant: "Ang hirap kasi kapag beauty queen, what if kapag nag-fail? Sobrang sakit. Paano ka mag-start nang panibago?"


Sa tuwing tinatanong kung sino sa mga artista ang nakikita niyang may potensiyal na maging beauty queen, hindi nawawala ang pangalan ni Sanya Lopez sa sagot ng beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Nang malaman ni Sanya na nakikita ni Gaffud na may tsansa siya, natuwa at nagpasalamat ang lead actress ng Haplos.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi na baguhan sa pagsali sa beauty contest ang Kapuso actress.

First runner-up si Sanya sa Reyna ng Aliwan noong 2014, gamit ang kanyang tunay na pangalan na Shaira Lenn Roberto.

Ayon sa 21-year-old actress, “Kinakabahan po talaga ako sa pageant.

"Nag-join ako ng pageant before, nag-aartista na ako, sa Half Sisters ng GMA-7.

"Nanalo naman po ako sa Reyna ng Aliwan noong 2014, first runner-up. Ang nanalo, Cebu.

"Ang hirap din po, sobrang gagaling nila, tapos kabang-kaba ako."

Pagbabalik-tanaw pa ni Sanya, "Pinilit lang ako na sumali kasi walang representative ang Bulacan.

"Palagi akong ganoon, saling-pusa.

"Taga-Plaridel ako, pero ang ni-represent ko noon, Malolos.

"Yung lalaban talaga doon, ayaw nang lumaban.

"Ayoko talaga, kinakabahan ako pagdating sa question and answer.

"Parang ang tingin ko, sobrang lalim agad ng tanong."

ACES & QUEENS TRAINING. Ikinuwento rin ni Sanya na nag-training siya noon sa Aces & Queens para madagdagan ang self-confidence niya.

Ang Aces & Queens, na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud, ay training camp para sa aspiring beauty queens.

Dito nag-train ang ilang Pinay beauty queens na nagwagi sa international beauty pageants, gaya nina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), Megan Young (Miss World 2013), Venus Raj (Miss Universe 2010 4th runner-up), Shamcey Supsup (Miss Universe 2011 3rd runner-up), Janine Tugonon (Miss Universe 2012 1st runner-up), Ara Arida (Miss Universe 2013 3rd runner-up) at, Gwen Ruais (Miss World 2011 First Princess).

Ayon kay Sanya, "Nag-training ako sa Aces & Queens before ako nag-Encantadia.

"Kaya lang po, tinanong ako kung ano ang priority ko—ang pag-aartista o pagiging beauty queen—kasi magkaiba po raw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ipinasok lang ako doon para mag-build up yung confidence ko. Sobrang mahiyain ako noon.

"Sabi ni Tita Tracy [Garcia], yung manager ko sa Artist Center, kailangan ko na magkaroon ng confidence kaya ipinasok nila ako sa Aces & Queens.

"Nag-training lang ako ng dalawa hanggang tatlong araw."

Dagdag pa ng nakababatang kapatid ni Jak Roberto, "Alam po ni Kuya Jonas na nag-Aces & Queens ako noon.

"Sabi niya, ‘Kung may plans ka, i-go na natin ‘to.’

"Sabi ko, kapag nabigyan ng chance, why not?

"Pero sa ngayon kasi, sayang yung mga project na ibinibigay sa akin ng GMA-7.

"Ang hirap kasi kapag beauty queen, what if kapag nag-fail? Sobrang sakit.

"Paano ka mag-start nang panibago?" tanong ni Sanya sa sarili kapag sinubukan niya uling sumali sa beauty contest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN