Giselle Sanchez admires Maymay Entrata's humility

IMAGE Maymay Entrata Instagram / Glenn Regondola

Giselle Sanchez (right) is all praises for the young Kapamilya star Maymay Entrata (left). She says, "Hindi siya yung superstar ano. Nakapa-humble, napaka-Godly, at saka isa siyang good role model ng mga kabataan."


Para sa komedyanang si Giselle Sanchez, mutual admiration ang namamagitan sa kanilang dalawa ng Kapamilya young star na si Maymay Entrata, na unang nagpahayag ng pag-idolo nito sa kanya.

Labis din daw ang paghanga ng veteran comedienne sa Pinoy Big Brother Lucky 7 grand winner, lalo na't marami ang nagsasabing magkamukha silang dalawa.

Pahayag ni Giselle, "I love that girl. Sobrang... well, ako kasi, I don't think of her as a komedyante.

"I think of her as a big star.

"Dyusko, one million followers nung bata, or more pa nga yata!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Giselle sa SM Megamall bago sumapit ang Pasko.

Dito ay binanggit ni Giselle na gusto rin niyang makatrabaho ang young actress.

"Ako, sana, magpi-pray na magkaroon kami ng project together. Na maging mama niya ako or ate kasi kitang-kita mo talaga, e.

"Kahit ako, kitang-kita ko yung pagkakahawig namin.

"In fact, ang ginagawa ko sa Instagram, pinagtatabi-tabi ko yung pictures namin na magkamukha kami.

"Tapos, talagang tuwang-tuwa yung fans tuwing pinu-post ko yun."

MUTUAL ADMIRATION. Kaya nga raw ang saya-saya ni Giselle nung finally ay magtagpo ang kanilang landas.

Aniya, "Nung finally mag-meet kami, sabi ko, 'Oh my God, kamukha nga kita!'

"Tapos sabi niya, 'Ate Giselle, alam mo bang idol na idol kita!'

"Tapos nag-uusap kami sa Instagram, wala lang, trinay ko lang.

"Sabi ko, 'May, baka puwede mong batiin ang lola ko, kasi tuwang-tuwa yun sa iyo dahil naaalala nga raw niya ako sa iyo.'

"Binati niya kaagad."

Patuloy ni Giselle, "Wala pang ten minutes.

"Siyempre, kung busy kang artista, e, 'Ay, mamaya na 'yang bati na 'yan. Puwede naman 'yan after two weeks or something.'

"Pero siya, ten minutes after, meron na siyang greetings."

Dito nga raw niya mas hinangaan si Maymay, dahil sa pagiging mababa pa rin ng loob nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa comedienne/events host/columnist, "Oo, at saka madaling abutin yung bata.

"Hindi siya yung superstar ano. 

"Nakapa-humble, napaka-Godly, at saka isa siyang good role model ng mga kabataan.

"Tapos, ang guwapo-guwapo ng kanyang si Edward [Barber], ang kanyang ka-love team.

"Sana magkatuluyan sila para maging maganda ang anak nila.

"Pero huwag muna, huwag muna. Kasi ang babata pa nila."

Dugtong pa ni Giselle, "Nakakatuwa, kasi sabi niya, fan ko raw siya. Well, ako rin, fan niya.

"So, the feeling is mutual.

"Sobrang love ko yung batang yun, sobrang-sobra."

Ano ang puwede niyang i-advise kay Maymay para ma-sustain nito ang kanyang kasikatan ngayon?

Saad ng 42-year-old comedienne, "Maymay, you keep up your very good attitude.

"Mapagmahal sa fans, mapagmahal sa pamilya.

"Alam ko na ikaw ang inaasahan ng pamilya mo.

"Huwag kang mapapagod, huwag kang mapapagod na tumulong, kasi mas maganda yung kamay na ikaw ang nagbibigay versus sa ikaw ang humihingi, di ba?

"Ituloy mo lang yung pagmamahal mo sa fans, kasi mahal na mahal ka nila.

"Nararamdaman ko na mahal na mahal mo rin sila.

"I love you so much. I'm such a great fan of yours."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN