Luis Manzano celebrates Christmas with Jessy Mendiola and their families

IMAGE Courtesy: @luckymanzano on Instagram

Luis Manzano on spending Christmas with Jessy Mendiola, parents: "These people are the biggest blessings I can ever receive!" PHOTOS ABOVE: Jessy and Luis with his mom, Batangas Representative Vilma Santos, and her mom, Didith Garvida. BELOW: With Luis's dad Edu Manzano, stepmom Rina Samson and half-siblings Addie and Enzo Manzano.


Espesyal ang nakaraang Pasko para kay Luis Manzano.

Bukod sa nakasama niya ang girlfriend na si Jessy Mendiola, nakasama rin nila ang kanyang mga magulang na sina Batangas Representative Vilma Santos at Edu Manzano, at ang pamilya ng nobya, kabilang na ang ina nitong si Didith Garvida.

Maituturing daw ito ni Luis na isa sa pinaka-espesyal na regalong natanggap niya ngayong Pasko.

Sabi ng TV host-actor sa kanyang Instagram post kahapon, December 26: “One of the best gifts i received this Christmas is being able to take a step back and be thankful to be part of these families.

"So many good things may come my way but these people are the biggest blessings i can ever receive! :) Merry Christmas from all our families!!”

Sinamahan ito ni Luis ng mga larawang kuha nila ni Jessy kasama ang kani-kanilang pamilya noong Pasko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN