Cristina Decena buries the hatchet with former partner Phillip Salvador

IMAGE Courtesy of cristinadecena.com

Businesswoman Cristina Decena said she and former partner Phillip Salvador have ironed things out between them. She told Phillip, "'Wala na akong hinanakit, lahat ng mga kasalanan mo sa akin pinatawad ko na. Gusto ko… I wish you luck, God bless, mag-move on na tayo pare-pareho.'"



Maayos na ang sitwasyon sa pagitan ng businesswoman na si Cristina Decena at ang aktor na si Phillip Salvador.

Matatandaang nagkaroon ng demandahan sa pagitan ng dalawa nang dahil sa pera.

Ngunit matapos nang maraming taon ay magkaibigan na raw silang muli.

"Oo! Simula nung Valentine’s Day," umpisang kuwento ni Cristina na ang tinutukoy ay Pebrero ng taong ito.

Nakausap ng PEP/ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristina sa unveiling ng billboard niya bilang endorser ng Banahaw Heals Spa sa Tagaytay City nitong December 9.

Noong araw na iyon ay idinaos rin ang Christmas gift-giving ni Cristina sa mga bata ng Barangay Lumipa, Cavite City.

Paano sila nagkaayos ni Phillip?

"Meron kasi siyang promulgation ng kaso niya," kuwento ni Cristina. "Siguro, mga a month before ng promulgation ng kaso niya [ito nangyari].

"Hindi ko naman alam na nagtuluy-tuloy yun, kasi may proseso pala ang batas."

Ang alam daw ni Cristina ay maayos na ang lahat dahil pinatawad na niya si Phillip. "Akala ko [ok na] dahil pinatawad ko siya on national TV, tapos sa mga print [publications].

"Sinabi ko na humingi lang siya sa akin ng tawad, patatawarin ko siya at iaatras ko ang mga kaso. 

"Akala ko naman tapos na yun!"

Pagpapatuloy ni Cristina, "So, hindi ko na nabalikan yung lawyer ko.

"Hindi naman ako tinanong na ng lawyer ko dahil, iyon nga, hindi naman daw puwedeng porke’t nag-announce ako nang ganun, bigla na lang na automatic tigil [na ang kaso].

"Kailangan daw yung lawyer ni Ipe at siya pumunta dun sa korte, sabay.

"'Tapos susumpa ako ng affidavit of desistance na inuurong ko na ang kaso. Hindi ko alam na ganun."

RECONCILIATION. Ayon pa kay Cristina, bago sumapit ang promulgation ng kaso niyang estafa laban kay Ipe ay may namagitan sa kanilang dalawa ni Ipe. (Ito ang palayaw ni Phillip).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nag-bridge sa aming dalawa," sabi ni Cristina. "Si Congressman Fermin ng Malolos, Bulacan.

"Na kaibigan ni Ipe, na naging kasama pala niya sa pagkampanya nung nakaraang eleksyon.

"So sabi ko, ‘Wala na sa akin yun, Ipe. Nung inano kita, pinatawad na kita.’

"Nagkita kami sa Manila Peninsula, nung February 12 [2017].

"Hindi ko makalimutan, basta before Valentine’s Day.

"'Tapos nung dumating ako sa Manila Peninsula, niyakap niya ako. Alam mo naman si Ipe, mayakap, di ba?

"Niyakap niya ako, tapos sinabi niya sa akin na maraming salamat daw dahil daw dumating yung time na totoong pinatawad ko na siya.

"Na sa tingin ko talagang pinatawad ko na siya dahil wala nang kahit na anong sakit, e.

"Pinatawad ko siya kasi tinayuan ko yung sinabi ko na humingi ka ng tawad sa akin, patatawarin kita.

"Humingi siya ng tawad sa akin on national television nung 2007."

That same year, on national TV rin ay pinatawad ni Cristina ang aktor na dati rin niyang karelasyon.

"Nagpa-convict muna siya, convicted na siya, meron siyang [inihain sa] Court of Appeals.

"Na-convict siya nung 2007 din. Pagkatapos niyang ma-convict 'tsaka siya humingi ng tawad sa akin.

"So, pagkatapos niya ma-convict dun ko siya pinatawad."

Ngunit hindi pa pala tapos ang kaso ni Cristina laban kay Phillip.

Kuwento niya, "'Tapos ngayon meron pa palang isang case, sa akin din, na nagtuluy-tuloy. 

"So nung date ng promulgation niya, nakiusap siya dun sa judge na, 'Your honor baka po puwedeng huwag nyo na akong basahan ng sakdal kasi ho ayos na kami ng complainant,' ganyan-ganyan, ganun-ganun.

"'Tapos sabing ganun nung judge, 'Kung ayos na kayo, sige, umupo siya [Cristina] sa witness  stand at magkaroon siya ng recantation ng lahat ng kanyang sinumpaang salaysay.'

"Siyempre hindi naman ako pupuwedeng mag-recantation, di ba? Mawawalan naman ako ng kredibilidad.

"Sabing ganun ni Ipe, na parang natuwa naman ako sa kanya, sabi niya, 'Kung iyan po ang magiging dahilan para hindi matuloy ang pagbasa n'yo sa akin ng sakdal, hindi ko po papayagang mangyari yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Kasi ho ayoko namang mapunta sa alanganin si Cristina.'"

Ngunit nagsalita na rin daw si Cristina sa harap ng hukuman.

"So, nakatayo ako dun sa harapan ng court, at sinabi ko, 'Your honor, wala na po akong hinanakit, nawala na po sa puso ko yung galit, kung maaari po ako na po ang nakikiusap sa inyo na huwag na po nating tuloy ang pagbasa ng sakdal kay Phillip Salvador dahil pinapatawad ko na po siya, matagal ko na po siyang pinatawad.’”

Ngunit hindi raw nila inasahan ang isinagot ng judge.

"'Aba, hindi puwede yung ganyan-ganyan dito sa court,' sabi ng judge.

"'Kung talagang totoo 'yang sinasabi mong iyan, na wala ka ng galit, bakit, isinakdal mo ba siya dahil may galit ka?'

"'Hindi po, your honor! Sinakdal ko po siya dahil meron akong dapat kolektahin sa kanya, pero nagkapatawaran na po kami at wala na po akong kahit na ano pang hinahabol o interes na ipagpatuloy pa ang kaso na ito.'

"'No, hindi iyan ang rules! Proceed with the promulgation.'" Ito raw ang utos ng judge.

CASE DISMISSED. Paglalahad pa ni Cristina, "Napatingin ako kay Ipe kasi sabi niya [judge] proceed with the promulgation.

"'Tapos ngayon, nung binasa, alam mo naman ang promulgation ang tagal, di ba bago makarating dun sa talagang actual na 'wherefore.'

"Nung narinig ko na yung "wherefore premises considered, Phillip Salvador," ganyan-ganyan, hindi siya guilty!

"So nung sinabing hindi siya guilty, 'tapos walang probable cause, at dini-dismiss yung kaso, nagkayakapan kami, dun sa mismong korte!

"'Tapos lahat ng tao nagpalakpakan.

"'Kaya ko naman siya nayakap, kasi kung mako-convict siya, masakit yun sa akin dahil pinatawad  ko na nga, e.

"'Tapos nung binabasahan siya ng kaso at sinasabing isa-isa yung mga nangyari, I’m sorry ako nang I’m sorry sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'I’m sorry, I’m sorry.' Nakatayo ako sa tabi niya, parang hindi ko siya maiwan.

"Sabi naman niya, 'It’s all right, it’s all right.'

"E, dismissed naman pala!

"So nung na-dismiss, tuwang tuwa ako!"

ALL'S WELL THAT ENDS WELL. "Pagkatapos, niyakap niya ako. E, ang taas niya, di ba?

"Halos nakarga pa nga niya ako dun sa harapan ng korte!

"Halos lahat ng mga tao nakatingin sa amin.

"Sabi ko sa kanya, 'Sa totoo lang, talagang pinatawad na kita.'

"Maraming salamat sa lahat ng pag-ano niya sa akin.

"Kasi before, nagsasagutan kami, pero lately, parang bilang lalaki, hindi na niya ako pinapatulan.

"So, siyempre pag nagtatanong yung mga reporter, sumasagot naman ako.

"Nababasa niya. Sabi niya nasasaktan daw siya sa mga sinasabi ko.

“Sabi ko sa kanya, 'Ayoko nang sisihin ka, pero hindi naman mangyayari lahat yan kung hindi mo ginawa yan. So dahil ginawa mo yan, pagdusahan mo.'

"'Ang mabuti na lang, wala na akong galit, pinatawad na kita, magsimula na lang tayo uli nang bago.

"'Mag-move on na tayo para lahat masaya. At ako naman ipagdadasal ko na sana magtuluy-tuloy yung suwerte mo sa buhay.'

"Kasi ako, kako, good karma naman, tuluy-tuloy naman yung magagandang suwerte sa buhay ko.

"Wala na akong kahit na anong hinanakit.

"At nagpasalamat naman siya sa akin."

Magaan na raw ang pakiramdam ni Cristina ngayon.

“Oo, magaan, magaan!

"Basta sabi ko lang sa kanya nung maghihiwalay na kami, kasi inihatid niya ako hanggang elevator, 'Wala na akong hinanakit, lahat ng mga kasalanan mo sa akin, pinatawad ko na.

"'Gusto ko… I wish you luck, God bless, mag-move on na tayo pare-pareho.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN