Gardo Versoza raises funds for operation of a sick kid through his Cupcake Bikers group

IMAGE Noel Orsal

Gardo Versoza's Cupcake Bikers group did a fundraising bike ride to raise funds for the operation of Troy Terrence Legaspi, who has cervical meningocele.


Naging makabuluhan ang Pasko ng aktor na si Gardo Versoza dahil sa pagtulong nito sa isang batang may sakit.

Dahil sa kanyang itinatag na Cupcake Bikers 143, isang organisasyon ng bike riders, may natulungan silang 11-month-old baby boy noong nakaraang December 23.

Nakakalap sila ng pondo sa pamamagitan ng isang charity bike ride para kay Troy Terrence Legaspi.

Si Troy ay may sakit na cervical meningocele.

Ayon sa humpath.com, "Cervical meningoceles are tethering lesions of the spinal cord that may cause biomechanical injury with repetitive flexion-extension movements of the head and spine. It is therefore advisable to remove these lesions neurosurgically as soon as the diagnosis is made."

Ito ang naging mensahe ni Gardo sa Instagram noong December 23:

"Sa mga nais pong sumama sa huling charity bike ride ng CUPCAKES para sa taong 2017 para maghatid po ng tulong kay Baby Troy, yung may bukol po sa litrato, bukas po ito, December 23, 2017.

"Ride out po sa McDonald’s Libis malapit po sa Green Meadows ay 5am.

"Para sa mga karagdagang detalye, mangyari po lamang na i-check sa Facebook page po na CUPCAKE BIKERS 143.

"Halfday VISA po lamang ang need dito. Marami pong salamat at maligayang pasko sa lahat. #cupcakebikers143"

Naging matagumpay naman ang charity bike ride at nakalikom ng pondo ang Cupcake Bikers para sa operasyon ni Baby Troy.

Noong December 24, binisita ni Gardo si Baby Troy at nag-post siya sa Instagram ng larawan nila, kasama ang ama at ina ng bata.

"Maligayang pasko po sa inyong pamilya lalo na kay baby troy mula po sa cupcake bikers. #cupcakebikers143”

Sa ngayon, higit na anim na libo na ang miyembro ng Cupcake Bikers 143.

Bukod sa pagtulong sa mga batang may sakit, tumutulong din sila sa mga kapus-palad at nagbibigay ng scholarship sa mga nais mag-aral na mga bata.

(Ed's Note: Sa 2018, mapapanood si Gardo sa inaabangan na teleserye ng GMA-7 na Sirkus.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN