Jericho Rosales defends wife against basher criticizing Kim for prioritizing career over motherhood

IMAGE Noel Orsal / @jerichorosalesofficial on Instagram

Hindi basehan ng pagiging tunay na babae ang pagkakaroon ng anak. Ito ang sagot ni Jericho Rosales sa basher ng asawang si Kim Jones na nagsabing dapat asikasuhin ni Kim ang pagbubuntis kaysa ang kanyang karera.


Dinepensahan ni Jericho Rosales ang asawang si Kim Jones laban sa isang basher na nagsabing mas inuuna pa nito ang kanyang pagbibiyahe para matupad ang kanyang mga pangarap.

Dapat daw ay asikasuhin na lang ni Kim si Jericho at magbuntis na upang maging ganap na asawa ng aktor.

Sa Instagram post ni Jericho noong December 25, nagkomento ang isang nagngangalang @joymillan1987 kay Kim na mas inuuna raw nito ang trabaho kaysa sa asawa.

Christ, You Rock.

A post shared by Jericho Rosales (@jerichorosalesofficial) on

Kahit burado na ito sa post ni Jericho, may nakapag-screenshot naman nito na isang netizen at ipinost ito sa Twitter.

Saad ng basher na si @joymillan1987: “Seriously? Can’t even [be] with you all the time coz she’s busy travelling and fulfilling her dreams,

“If she’s a wonder woman for you @jerichorosalesofficial she should get pregnant and be a real woman!!! Would you agree @kimcamjones?”

Kaagad naman itong sinagot ng Siargao star.

Sabi ni Jericho, “@joymillan1987 awww I don’t think getting preggy and having babies is the only measure for being a woman… I love that my wife travels and works on her dreams.

“Makes me really proud. Have the best holiday season and peace and love to you from us.”

Tatlong taon nang kasal sina Jericho at Kim, ngunit batay sa mga naunang panayam sa kanila, uunahin daw muna nila ang magbiyahe sa iba’t-ibang bansa bago planuhin ang pagkakaroon ng anak.


Stories We Are Tracking

Jericho Rosales, wife still taking their time to have a baby
Jericho Rosales, wife still taking their time to have a baby
<p>Jericho excited for first Valentine with wife Kim</p>

Jericho excited for first Valentine with wife Kim

<p>Jericho Rosales describes Kim Jones as ’super wife&am

Jericho Rosales describes Kim Jones as ’super wife&am



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN