Kim Jones explains choice of not having a baby yet; thanks Jericho Rosales for defending her against basher

IMAGE Courtesy: @jerichorosalesofficial on Instagram

Nagpasalamat si Kim Jones sa asawa niyang si Jericho Rosales sa pagtatanggol sa kanya laban sa isang basher.


Nagpasalamat si Kim Jones sa asawang si Jericho Rosales sa pagdepensa nito sa kanya laban sa isang basher na nagsabing mali ang pagprioritize ni Kim sa kanyang career at hindi ang pagiging asawa.

Balik ni Jericho sa basher, hindi basehan sa pagiging tunay na babae ang pagkakaroon ng anak.

Saad ng mahusay na aktor, “I don’t think getting preggy and having babies is the only measure for being a woman… I love that my wife travels and works on her dreams.”

Kagabi, December 27, isinawalat ni Kim ang nararamdaman niya sa ginawang pagtatanggol ng asawang si Jericho sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story.

Ayon kay Kim, “Thank you, Jericho, for believing that a woman’s worth and the measure of a “real woman” comes from a multitude of qualities.

“And thank you for believing my [read: women's] dreams are worth chasing, whatever they may be.

“Thank you for having my back. That’s my man.”

Nagpaliwanag din ang modelo kung bakit hindi pa niya prayoridad sa ngayon ang pagkakarooon ng baby.

Sabi ni Kim, “I, along with many other women I know, am constantly asked why I’m still without child, sometimes benevolently, sometimes not.

“Often my response (or lack thereof when I tire of defending myself) is met with incredulity and scorn.

“We are all in a state of transition; we’re all going through something.”


Taong 2014 ikinasal sina Kim at Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN