Thou Reyes not choosy with roles: "Blessings lahat 'yan at hindi dapat tinatanggihan o hinihindian."

IMAGE Noel Orsal

Actor Thou Reyes says he is not choosy with his roles and projects: "Blessings lahat 'yan at hindi dapat tinatanggihan o hinihindian."


Sa pagtatapos ng taong 2017, thankful ang aktor na si Thou Reyes dahil hindi siya nawawalan ng projects—sa TV man o sa pelikula.

Kasama si Thou sa Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Meant To Beh, kunsaan gumanap siya bilang yaya ni Baeby Baste.

Sa TV naman, mapapanood si Thou sa upcoming ABS-CBN teleserye na The Blood Sisters na pagbibidahan ni Erich Gonzales.

Dalawang pelikula rin ang gagawin ni Thou sa pagpasok ng 2018.

Pahayag ni Thou sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Very thankful po ako sa taong ito at sa taong papasok.

"Hindi naman tayo mapili sa mga projects na dumarating sa atin.

"Para po sa akin, blessings lahat 'yan at hindi dapat tinatanggihan o hinihindian.

"Mahirap na kapag nagtampo ang grasya."

Hindi nga mapili si Thou sa roles na naitotoka sa kanya.

Nakilala siya sa husay niyang pagganap bilang bading sa pelikula at TV.

Paliwanag ni Thou, "Ako naman po, basta nabigyan tayo ng role, pag-aaralan ko talaga siya.

"I will give my best para tumatak ako sa role na iyon.

"It doesn’t matter kung straight or gay role ulit.

"Trabaho lahat 'yan. 'Tsaka aktor po tayo.

"Nandito ako sa industry na ito kasi I love to act and entertain people."

ACTING IDOL. Isa sa inspirasyon ni Thou sa kanyang pagiging aktor ay ang award-winning actress na si Eugene Domingo.

Si Eugene daw ang nagbigay ng advice sa kanyang huwag maging choosy sa mga trabahong dumarating.

Isipin na lang daw niyang masuwerte siya at parating may dumarating na trabaho.

Kuwento ni Thou, "Si Ate Uge ang nagsabi sa akin na habang may offers na dumarating, tanggap lang ako nang tanggap.

"Kasi, ang ibig sabihin nun ay lagi akong naaalala ng producer, ng director o ng writer.

"Darating din daw ang time na makakapili na rin ako ng roles na gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But for now, iparamdam ko sa kanila na handa akong gawin kahit na anong role.

"Ipakita ko ang versatility ko as an actor."

THOU'S CAREER. Nagsimula bilang child actor si Thou sa pamamagitan ng programang Ang TV noong 1994.

Lumabas siya sa ilang TV shows, tulad ng Kaya Ni Mister, Kaya Rin Ni Misis; Kung Fu Kids; Batang X; at K2BU.

Unang pelikulang nilabasan ni Thou ay ang Sabado Nights (The Movie) noong 1996.

Nang lumaon ay gumanap na bading si Thou sa mga teleseryeng I Love Betty La Fea, Pangako Sa ‘Yo, at Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Napanood din siya sa mga pelikulang I, America, Sisterakas, Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To), Enteng Ng Ina Mo, When The Love Is Gone, at Barbi D’Wonder Beki.

Sa entablado, gumanap na rin siya bilang drag queen sa The Adventures of Priscilla: Queen of the Desert at sa gay musical na Care Divas.

LOVE LIFE FOR 2018. Sa mga hindi nakakaalam, isang licensed nurse si Thou at natapos niya ang kanyang nursing course sa UERM.

"Galing po kasi ako sa family of nurses," paliwanag niya. 

"Kaya pinagpursigehan ko ang matapos ng nursing just in case na magsawa na ako sa showbiz, may iba pa akong puwedeng maging trabaho.

"Kaya bumalik lang ako sa showbiz when I passed the nurses' board exam.

"Wala pa naman akong plans to work abroad kasi marami pa akong work po dito.

"Siguro kapag kumonti na po ang offers at may nahanap na silang kapalit ko, doon na ako mag-iisip na mag-work sa ibang bansa.

"But for now, dito muna tayo sa Pilipinas."

One year na raw single si Thou, at wish niya sa 2018 na makaramdam ulit siya kung paano magkaroon ng love life.

Pahayag niya, "Mas nag-concentrate tayo sa trabaho.

"Mas pinili ko ito kesa sa magkaroon ako ng commitment with somebody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap ipagsabay talaga.

"Kaya you have to choose and I chose my career sa ngayon.

"Pero sana sa pagpasok ng 2018, makaramdam ulit ako ng love life.

"Mga kaibigan ko, may mga partners na sila at nakainggit din.

"So, kung may nakalaan na love life for me sa New Year, then bring it on!"  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN