Angelica Panganiban on FAMAS Best Actress award: "Para 'to sa lahat ng nasaktan, pero kinayang bumangon."

IMAGE Noel Orsal

Hindi personal na natanggap ni Angelica Panganiban ang kanyang Best Actress award sa ika-65th FAMAS Awards kagabi, Disyembre 28, dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Japan.


Si Angelica Panganiban ang itinanghal na Best Actress sa 65th FAMAS Awards na ginanap kagabi, December 28.

Nanalo siya para sa kanyang pagganap sa The Unmarried Wife.


Stories We Are Tracking

Here are winners of the 65th FAMAS Awards
Here are winners of the 65th FAMAS Awards

Ang The Unmarried Wife ay ipinalabas noong 2016, kung saan nakasama niya sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Japan si Angelica kasama ang ilang kaibigan kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang trophy.

Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, December 29, nagpasalamat si Angelica sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya.

Ibinahagi rin niya ang kanyang award sa mga tao na, sa kanyang salita, ay “nasaktan pero kinayang bumangon at lumaban.”

Saad ng Kapamilya actress, “Maraming salamat FAMAS. thank you Star Cinema! Maraming maraming salamat sa tiwala at paniniwala sa akin.

"Para ‘to sa lahat ng nasaktan, pero kinayang bumangon at lumaban. happy new year indeed. #theunmarriedwife.”

Binati naman siya nina Dingdong at Luis Manzano sa comments section.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN