Gloria Romero thankful for 60-plus years in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Veteran actress Gloria Romero remains thankful for her enduring showbiz career, which has spanned more than six decades: "Ilang dekada na ba akong nandito? More than 60 years na yata. I've worked with almost all the artistas of different generations. Pero nandito pa rin ang Tita Glo nila."


Sa edad niyang 84 anyos, wala na raw mahihiling pa ang movie queen na si Ms. Gloria Romero sa pagpasok ng 2018.

Kung sakali, gusto na lang niya ang maayos na kalusugan at ang manatiling aktibo sa TV at pelikula.

Sa panayam kay Tita Glo sa news program na Balitanghali ng GMA NewsTV noong nakaraang kaarawan niya—December 16—nagpasalamat siyang umabot sa edad na ito at dumarating pa rin ang blessings sa kanya.

“Parang iilan na lang kaming aktibo sa edad na ito, and I am very thankful to God for giving me a fulfilling life as an actress in this industry.

“Ilang dekada na ba akong nandito? More than 60 years na yata.

“I’ve worked with almost all the artistas of different generations.

“Pero nandito pa rin ang Tita Glo nila.

“Ako pa rin ang Gandang Lola ninyo!” tawa niya.

Halos lahat ng mga nakasabayan ni Tita Glo na mga movie queens—Nida Blanca, Charito Solis, Lolita Rodriguez—ay sumakabilang-buhay na.

Siya na lang ang nanatiling aktibo.

Sa katunayan, dalawa nga ang TV shows niya ngayon sa GMA-7: ang Daig Kayo Ng Lola Ko at Kambal, Karibal.

“I am just so blessed to still be here in the industry.

“Nakakatuwa nga kasi ayaw nila akong mag-retire.

“For me, it’s a blessing from God na nakaka-memorize pa tayo ng mahahabang lines sa script.

“Thank God for it talaga.

“Tsaka gusto ko rin na makasama pa ang iba pang mga artista natin.

“Lalo na yung mga nakatrabaho ko noon, I want to know kung kumusta na sila.

“Dito nga sa Kambal, Karibal ay nagsama ulit kami ni Carmina Villarroel.

“I worked with Min when she was only 12 years old sa sitcom na Palibhasa Lalake.

“Nine years kaming nagkasama sa show na iyon, and I’ve seen her grow up.

“Ngayon, she has her own family at ang gaganda ng mga anak nila ni Zoren [Legaspi].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila Miguel [Tanfelix] at Bianca [Umali] naman, mga babies pa sila when we did the teleserye Niño.

“Ngayon ang lalaki na nila at may mga lovelife na yata,” natatawang hirit ni Tita Glo.

Napanood din si Tita Glo sa 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Ang Panday.

THANKFUL TO COCO. Nagpapasalamat siya kay Coco Martin dahil pinahanap pa raw siya nito para gumanap na lola niya sa pelikula.

Lahad ni Gloria, “Nagulat ako na gusto raw ni Coco na ako ang gumanap na lola niya sa movie.

“Nasabi ko na baka ma-delay sila kasi I’m doing a teleserye at maging cause of delay pa ako.

“But Coco insisted, and they will work around my schedule.

“Doon ako natuwa sa batang 'yan kasi may respeto siya sa mga senior stars na tulad namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN