Sinon Loresca apologizes for bar scuffle: "Lumaban ako, nabigla ako, siyempre."

IMAGE Screengrab from Facebook video of Sinon Loresca (left)/Facebook photo of Drew Fernandez (right)

Sinon Loresca denies claims of Drew Fernandez that he, Sinon, was maltreating his personal assistant. "Sa totoo lang po, ito po ang totoo talaga niyan, lagi po kaming nagsasakitan talaga pero harutan po namin yun." (Left) Sinon Loresca and his personal assistant Nadia. (Right) Drew Fernandez and his foreign partner Farhad Shurukov, who allegedly attacked Sinon in a bar in Ortigas, Pasig City on December 30. The couple filed a police report after the incident.


Paulit-ulit ang paghingi ng paumanhin ng komedyanteng si Sinon Loresca sa taong diumano'y nasaktan niya sa gulong kinasangkutan nila sa isang bar sa Ortigas, Pasig City, noong madaling araw ng Sabado, December 30.

Sa pamamagitan ng Facebook video, inamin ng Eat Bulaga! Dabarkads at tinaguriang "King of Catwalk" na nasaktan niya ang foreigner na si Farhad Shukurov.

Humingi si Sinon ng dispensa rito at sa partner niyang si Drew Fernandez, na nag-post ng kuwento ng insidente sa kanyang Facebook account noon ding araw na iyon.

Panimula ni Sinon, “I owe you an apologies. Mag-a-apologies na ako dahil nagkasakitan tayong dalawa sa isang bagay na misunderstanding.

“We went out last night, we went to one of the bar in Ortigas, tama ako.

"Medyo nakainom din ako pero I'm not totally drunk, so alam ko yung nangyari.

“Nagulat lang ako kasi, siyempre, bigla mo na lang akong sinugod, nag-away tayo, pisikal.

“Siyempre, magkaibigan tayo, nag-meet tayo sa isang isang event sa BGC.

“We are very, very, nice friend naman. Actually, you really love me and I love you, too, kasi you love my videos and my pasarela.”

NOT MALTREATING HIS ASSISTANT. Kasunod nito, binigyang linaw ng social media and TV personality ang akusasyong sinasaktan niya ang kanyang personal assistant, na pinangalanan niyang si Nadia.

Nasa likuran ni Sinon si Nadia habang humihingi ng paumanhin ang una.

Ayon kay Sinon, ang nakita nilang pananakit umano niya ay natural na harutan lamang nila ng kanyang personal assistant (P.A.).

Paliwanag niya, “What misunderstanding is yung nangyari na akala mo kasi, yung sa assistant ko, akala mo minamaltrato ko siya, sinasaktan ko siya, o pinagmumura ko siya.

“Sa totoo lang po, ito po ang totoo talaga niyan, lagi po kaming nagsasakitan talaga, pero harutan po namin yun.

“Hindi lang po si Nadia, kasama rin po ang isa ko pang assistant na si Roda, even though my younger brother, even though my mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun po talaga kami magharutan, lalo na po sa probinsya, probinsyana po kasi kami.

“Siguro, na-misinterpret mo na akala mo binubugbog ko si Nadia, hindi po yun totoo.

“Kung nakita mo man na binubugbog, lambing po namin yun.

“Hindi po yun bugbog na super seryoso. Ganun po kami maglambing.”

Diin pa ni Sinon, pamilya ang turing niya sa kanyang mga assistant.

Aniya, “In fact, ito po ang totoo, mahal na mahal ko po ang mga assistant ko.

“Itong si Nadia, three months na po sa akin, fresh. Si Roda naman po ay one year na sa akin sa January.

“Hindi po sila tatagal sa akin kung masama po akong tao.”

CLAIMS NOT TRUE. Sa kuwento ni Drew Fernandez sa kanyang Facebook post, nakita raw nila ng kanyang partner na si Farhad na sinasaktan at sinasabunutan ni Sinon ang kanyang personal assistant nang walang dahilan.

Ito raw ang dahilan kung bakit minabuti nila Drew at Farhad na sugurin si Sinon para tigilan na ang "pananakit" nito sa kanyang P.A. at mag-sorry na rin siya rito.

Ang nangyaring kumprontasyon ay natuloy sa gulo.


Stories We Are Tracking

Sinon Loresca figures in bar scuffle with foreigner
Sinon Loresca figures in bar scuffle with foreigner

Paliwanag ni Sinon, “Sino po ba ako para manakit ng kapwa tao?

“Wala po akong karapatang manakit ng tao dahil alam ko rin, pinagdasanasan ko rin kung paano saktan ng mga tao sa paligid ko dati, kung paano ako tumayo sa mga taong malulupit ang kamay sa akin.

“So, alam ko po at naiintindihan ko po yun.

"At saka hindi naman po totoo, Andrew, na binugbog ko siya nang malala, na super eksena, na super iyak siya, na sinabi niyang okay lang sa kanya kasi baka bugbugin ko siya lalo sa bahay.

“Hindi po yun totoo, hindi po ako marunong manakit.”

Sa kanyang sumunod na pahayag, ipinaliwanag pa ni Sinon ang naging asal niya nang sugurin siya ni Farhad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Oo, nagkasakitan tayo. Inaamin ko, Drew Fernandez, nagkasakitan tayong dalawa kasi nga naloka din ako, na you attacked me, e, magkaibigan tayong dalawa.

“Kasi akala mo sinasaktan ko o minamaltrato ko ang kaibigan ko.

“Siyempre, ako naman, wala akong alam, lumaban ako, nabigla ako, siyempre.

“Ikaw ba naman, kahit sinong tao, biglang may umatake sa'yo, manakit sa'yo, lalaban ka.

“Siyempre, ako, pinaglaban ko lang din ang sarili ko kasi nagulat lang ako, someone's attacking me straightaway.

“'Kaibigan ko 'to,' siyempre, nagulat na ako, nasaktan din ako.”

Patuloy pa niya, “Hinugot mo ang balabal ko, kung anu-ano na ang pinaggagawa mo sa mukha ko.

“Siyempre, lumaban na lang din ako kasi, siyempre, tao lang din po ako.

“Ganun po ang paninindigan ko sa buhay—once na may isang taong nanakit sa akin, wala po akong pakialam, siyempre, lalaban rin po ako.

“Kahit wala akong laban, at least naipaglaban ko yung buhay ko, yung karapatan ko yun.

“Inalagaan ko po ang sarili ko hindi para saktan ng ibang tao.”

“HUWAG NANG PALAKIHIN ANG ISYU.” Bukod sa paghingi ng paumanhin, paulit-ulit ding sinabi ni Sinon na isang malaking di pagkakaunawaan ang nangyaring gulo.

Kaya raw nakikiusap siyang huwag nang palakihin ang isyu.

Aniya, “It's a big misinterpretation, yung nangyari po sa aming dalawa, inaamin ko po yun.

“So, sana naman po wala nang madaming kuwento sa nangyari, kasi nag-enjoy naman po tayo that night.

“Hindi ko lang alam, siyempre, nakainom tayo, kasama ko si Nadia, naghaharutan kami.

“Kung nakita n'yo po lahat ng Instagram Story ko, siya po ang laman ng Instagram Story ko noong nasa Boracay kami, puro kami harutan.”

At muli, pakiusap ni Sinon kay Drew at sa partner niyang si Farhad, “Humihingi po ako ng dispensa to Andrew.

“Merry Christmas and Happy New Year. Sa diwa po ng kapaskuhan at new year, humihingi po ako ng sincerely apologized po sa nangyari sa atin, kung anuman po ang nangyari sa atin kagabi, nagkasakitan tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inaamin ko, lumaban ako. Sorry talaga kasi hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Tao din ako, may emosyon din ako, kapag nasasaktan, lumalaban din po ako.

“Sana po, huwag na po natin palakihin ang isyu. Kasi, ang kailangan lang po natin dito ay lagi tayong magkaintindihan, magkaunawaan.

“Sa side po ni Andrew, pasensya na po. Sorry po talaga sa nangyari.

“Alam n'yo naman po ako, very comedy po ako. Kanina, gusto ko lang pong baguhin [ang video], gusto kong very sincere lang po ang pagkakasabi ko sa inyo nito kasi alam ko, Andrew Fernandez, makikita n'yo ito.”

PARA SA MGA HINDI KASALI SA ISYU. Sa kanyang 10-minute apology video, nakiusap din si Sinon sa mga taong hindi naman kasali sa nangyaring gulo sa pagitan nila nina Drew at Farhad.

Ani Sinon, “Sa mga ibang tao diyan, huwag na natin palakihin ang isyu, huwag na nating pahabin ang isyu.

“At the end of the day, pareho po, both side po kaming nasaktan sa pangyayari.

“Huwag na po nating palakihin ang isyung ito kasi talagang it happens sa buhay, minsan nagkakaroon tayo ng misunderstanding, nag-aaway tayo.

“Para po 'yang pamilya, minsan nag-aaway-away tayo. At the end of the day, we are one big happy family. Kailangan lang po nating magkaintidihan.

“Sana po sa mga echosera, lagi sa mga may dagdag diyan, nagkukuwento-kuwento pa, huwag na po nating sabayan o sakyan.

“Sabihin n'yo po ang lahat ng masasakit na salita sa akin or kahit ano pa man 'yan, okay lang po.

“Tatanggapin ko po 'yan kung 'yan ang ikaliligay ng ibang tao diyan, okay lang sa akin.

“Kahit ano naman po ang ginagawa kong kabutihan o nakakatawa, may tao pa rin pong hindi nakakaintindi sa akin.

“Gagawa lang po ulit ako ng paraan para ipaunawa sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN