Tim Yap marries Javi Martinez Pardo in New York City

IMAGE Instagram (@msleasalonga)

Tim Yap (right) and Javi Martinez Pardo (left) tied the knot in New York City on Christmas day, December 25. 


Ikinasal na ang TV personality/host na si Tim Yap sa kanyang partner, ang events director na si Javi Martinez Pardo, sa New York City, sa US, nitong Pasko.

Nitong January 1, nag-post si Tim ng isang larawan ng dalawang lalaking magkahawak-kamay at may caption na "Married."  

... MARRIED

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on

Nag-post din ang singer-actress na si Lea Salonga ng full shot ng litrato, at makikitang sina Tim at Javi ito. 

Ayon pa sa post ni Lea, isa sa mga witness sa kasal, December 25, o mismong Christmas Day, ang petsa ng kasal nina Tim at Javi.

Post pa ng Broadway star, pinakiusapan siya nina Tim at Javi na maging witness sa kasal nila bago magtapos ang taon.

“Finally, I was given permission to post this!!! I was asked by Tim and Javi to be a witness at their wedding which would take place Christmas Day 2017, and I said yes. I don’t think I’ve ever seen Tim this happy. Congratulations to you both!!!”

Noong January 19, 2017, 40th birthday ni Tim, nang mag-propose siya sa kanyang boyfriend.

Nangyari ito nang mag-speech si Tim sa kanyang Miss Universe-themed party na dinaluhan din ng ilang kaibigang artista at ilan pang kilalang personalidad. 


Stories We Are Tracking

Tim Yap now engaged to boyfriend Javi Martinez Pardo
Tim Yap now engaged to boyfriend Javi Martinez Pardo
Tim Yap opens up about his engagement
Tim Yap opens up about his engagement


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN