John Lloyd Cruz says goodbye to 2017: "F*ck you 2017 you didnt break me. Salamat."

IMAGE Instagram photo of Ellen Adarna

John Lloyd Cruz bids goodbye to 2017 with a strong message: "F*ck you 2017 you didnt break me. Salamat." In this photo, John Lloyd is with rumored fiancée Ellen Adarna.


Sa kabila ng mga kontrobersiya noong 2017, matatag pa ring sinalubong ni John Lloyd Cruz ang bagong taon.

Sa isa sa mga unang post niya ngayong 2018, makikita ang video ng fireworks na kuha sa pagsalubong ng bagong taon.

Sa caption nito, sinabi ng aktor: “F*ck you 2017 you didnt break me. Salamat.”

fuck you 2017 you didnt break me. Salamat. ????????

A post shared by portal (@ekomsi) on

Noong 2017 ay naging kontrobersiyal ang viral videos ni John Lloyd, kunsaan makikita siyang tila lasing habang kumakanta, sumasayaw, sumisiksik sa Gasul, at kung anu-ano pa ang ginagawa.

Ang mga ito ay kuha sa bakasyon nila ng Home Sweetie Home co-star niyang si Ellen Adarna at ilang pang mga kaibigan sa Bantayan Island, Cebu.

Ipinagtanggol si John Lloyd ni Johnny Manahan—na mas kilala bilang Mr. M—na siyang chairman emeritus ng Star Magic na namamahala ng career ni John Lloyd. Sinabi nitong napapalaki lang ang lahat, tulad ng simpleng pagbabakasyon ng artista, gayo't kung simpleng tao ang gumagawa nito, ni hindi ito pag-uusapan.

Kinalaunan ay humingi si John Lloyd ng paumanhin sa mga kabataang sumusubaybay sa kanya.

Aniya, “[D]iz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty.”

Ngunit tuloy-tuloy pa rin ang kontrobersyal na posts niya sa kanyang Instagram account.

Kasunod ng mga ito ay nagbigay na ng pahayag ang home network ni John Lloyd, ang ABS-CBN, na magi-indefinite leave ang aktor mula sa showbiz.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd IG posts draw extreme reactions from netizens
John Lloyd IG posts draw extreme reactions from netizens

Bukod sa mga ito, naging laman din ng mga showbiz balita ang mga pangalan nina John Lloyd at Ellen dahil sa namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa.

Sa showbiz, si John Lloyd ay kinikilalang matinee idol at premyadong aktor; si Ellen naman ay mas kinikilala bilang isang sexy star.

Bago matapos ang taon, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Ellen.

Noong nakaraang Pasko, nag-post si Ellen ng larawan niya kasama si John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen laughs off bashers of Christmas photo with John Lloyd
Ellen laughs off bashers of Christmas photo with John Lloyd
Ellen, John Lloyd spotted in hospital for checkup
Ellen, John Lloyd spotted in hospital for checkup


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN