Angel Locsin to Neil Arce: "Falling in love with you was the best part of my 2017."

IMAGE Instagram (@therealangellocsin @neil_arce)

Angel Locsin and Neil Arce took to Instagram to declare their love for each other and their hope for "forever."


Naging bukas sina Angel Locsin at Neil Arce sa pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa isa't isa, sa pamamagitan ng social media, kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Malinaw ring indikasyon sa tunay na estado ng kanilang relasyon ang kanilang posts.

Wala pang direktang pag-amin ang dalawa na magkarelasyon sila, subalit inamin nilang exclusively dating sila at nagsasabihan na ng “I love you.”

Sunud-sunod ang Instagram posts ni Angel, na kasalukuyang nagbabakasyon sa South Korea kasama ang kanyang pamilya.

Subalit agaw-pansin ang post ng aktres kasama si Neil.

Kuha ang photo sa New Zealand, nang nakibahagi sila sa pag-iisang dibdib nina Anne Curtis at Erwan Heussaff noong November 2017.

Ang maiksi subalit matamis na caption ng Kapamilya actress: "Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce excited to share my 2018 with you."

Ang magkaroon ng “forever” kasama si Angel naman ang hangad ni Neil, base sa kanyang New Year post sa Instagram.

Ipinangako ng film producer kay Angel na "gagalingan" niya upang magkaroon sila ng forever.

“My 2017...2018..2019... and sabi nga niya pag galingan ko... my forever... Don’t worry gagalingan ko!!! I Love you,” caption ni Neil.

Sumagot pa sa comments section si Angel at sinabing "galingan" nilang dalawa. 


Nagsimulang mapabalita ang pagkakamabutihan nina Angel at Neil noong April 2017 nang magbakasyon sila sa Hong Kong.

Pero bago pa man ito, matagal nang magkaibigan ang dalawa.

Bago naging sila, ang huling nakarelasyon ni Angel ay si Luis Manzano, samantalang si Bela Padilla naman ang huling girlfriend ni Neil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN