Alden Richards wishes for hate to end; remembers late mom on his birthday

IMAGE Noel Orsal

Naging emosyunal si Alden Richards sa kanyang ika-26 birthday celebration sa Eat Bulaga! ngayong araw, January 2. Nagbigay siya ng mensahe para sa namayapang ina: "So, Ma, kung nasaan ka man, every day is a day with you and, every day, I celebrate you as part of all of these."


Ngayong araw, January 2, and ika-26 kaarawan ni Alden Richards.

Sa kanyang birthday celebration sa noontime show na Eat Bulaga!, may simple ngunit makabuluhang wish ang aktor.

Sabi ni Alden, "Ang wish ko lang po talaga, sana po matapos na yung hate.

"Matanggal na yung hate sa puso ng mga tao, kasi ang daming puwedeng ipagpasalamat araw-araw."

Dugtong pa ng binata, "Sabi nga nung nag-text sa akin kaninang umaga, 'Do more of whatever makes you happy.'

"2018 will be big for all of us."


A MESSAGE FOR HIS LATE MOM. Naging emosyunal si Alden nang mabanggit ang kanyang pumanaw na ina, si Rosario Reyes Faulkerson, na pumanaw noong 2008.

Pinigilan ng aktor na maiyak kahit tinutukso siya ng kanyang co-hosts.

Ikinuwento ni Alden na natutuwa siya sa old video na Christmas gift ng kanyang pinsan, dahil nakita niyang muli ang kanyang ina.

Kuwento niya, "Nakakatuwa kasi, parang last Christmas, niregaluhan ako.

"May regalo yung pinsan ko, video, old video ng Pasko namin, siguro mga twenty years ago.

"So, nakita po yun sa social media, in-upload ng tatay ko.

"Yun po yung unang video na nakita ko yung nanay ko, for the longest time [since she died]."

Nagbigay rin ng mensahe ng pagpapasalamat si Alden sa kanyang Mommy Rosario.

"So, Ma, siyempre, every day naman, nagdarasal ako, lagi kitang kinakausap na sayang pa rin na you didn’t get the chance to experience these.

"Basta grateful ako na binigyan mo ako ng chance na mabuhay sa mundo.

"Grateful ako, dahil sa 'yo, marami akong buhay na nata-touch and nakapagbibigay ng kaligayahan.

"So, Ma, kung nasaan ka man, every day is a day with you and, every day, I celebrate you as part of all of these.

"I love you, Ma," ang sabi ni Alden na nabasag ang boses pero nakontrol pa rin niya na huwag pumatak ang luha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, masayang-masaya naman si Alden dahil naglaro sa "Pinoy Henyo," ang popular game segment ng Eat Bulaga!, ang mga taong malalapit sa puso niya.

Kabilang sa mga naglaro ang mga kaibigan niya sa showbiz na sina Mark Herras, Bea Binene, at Kristoffer Martin; ang kanyang handler na si Sam; at ang kanyang personal assistant na si Tenten.

Sina Mark at Tenten ang naglaro sa jackpot at nanalo sila ng kabuuang cash prize na P75,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN