Fire hits Quezon City house of music icon Freddie Aguilar

IMAGE Courtesy: @luisitosantos03 on Twitter

Natupok ng apoy ang bahay ni Freddie Aguilar sa may North Fairview Quezon City, kagabi, January 2. Tanging gitara lamang niya ang nailigtas sa sunog na umabot nang halos isang oras. 


Nasunog at natupok ng apoy ang bahay ng music icon na si Freddie Aguilar sa may North Fairview, Quezon City.

Ayon sa ulat ni Luisito Santos ng dzBB, na lumabas din sa GMA News Online ngayong araw, January 3, nagsimula ang sunog bandang 11:06 ng gabi kagabi, January 2.

Naapula naman ito kaagad bandang 11:39, kagabi rin.

Ayon sa anak ni Freddie na si Jeriko Aguilar, nasa loob siya ng music room nang nakarinig siya ng mga kalabog.

Nang lumabas siya ng music room, nakita raw niyang nasusunog na ang kanilang kisame.

Ang asawa naman ng mang-aawit na si Jovie ay kasalukuyang nasa second floor ng bahay nang marinig niya ang sigaw ni Jeriko tungkol sa sunog.

Tinangka raw ni Jovie at ng kanyang ina na bumaba, ngunit masyado nang makapal ang usok sa hagdanan.

Sa halip ay dumaan na lamang ang dalawa sa balcony ng bahay at tumawid sa bubungan ng kapitbahay kaya sila nakaligtas.

Nanghinayang si Freddie sa mga importanteng bagay na tinupok ng apoy, kabilang na ang kanyang original na recordings, awards, at musical instruments.

Ang kaisa-isang naisalba sa mga koleksiyon ng "Anak" singer ay ang kanyang gitara.

Gayunpaman, ipinagpasalamat ni Freddie na walang nasaktan sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon sa iba pang ulat, tinatayang nasa P20 milyon ang halaga ng natupok ng apoy. 

Kasalukuyan pang iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan o sanhi ng sunog.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN