Miho Nishida considers 2017 as year of ups and downs

IMAGE Instagram (@real.miho_nishida)

What's next for Miho Nishida after confirming she underwent cosmetic surgery last year? "Gusto kong mag-study, kasi siyempre, kailangan natin 'yan sa career natin. Siyempre, sa personality din natin," says the former PBB winner.


Taon ng lungkot at saya para kay Miho Nishida ang 2017.

“Year of the up and down, kasi nag-start yung 2017 ko, may teleserye ako," pagtukoy ng Kapamilya talent sa afternoon drama series na Langit Lupa.

"Pero siyempre," patuloy niya, "after nun, alam naman po nating lahat na nag-break up kami, so yun."

Ang tinutukoy ni Miho ay ang paghihiwalay nila ng Pinoy Big Brother housemate niyang si Tommy Esguerra, na  naging onscreen partner niya at kalaunan ay naging boyfriend.

Nagtagal ng higit isang taon ang kanilang relasyon.

Pero nagpapasalamat pa rin daw si Miho na maganda pa rin ang kanyang career sa pagtatapos ng 2017.

“Ta's eto namang December, after naman noon, maganda naman ang kinalabasan.

"Meron akong birthday concert," pahayag ng 25-anyos na single mom sa episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules, January 3.

PERSONALITY DEVELOPMENT. Ngayong 2018, plano ni Miho na ituon ang kanyang pansin sa personality development.

"Gusto kong mag-study, kasi siyempre, kailangan natin ‘yan sa career natin. Siyempre, sa personality din natin.

"Gusto kong mag-aral ng English, yun yung unang-una."

Bago matapos ang 2017, naging kontrobersiyal si Miho dahil sa pag-amin niyang sumailalim siya sa cosmetic surgery.

Satisfied naman daw siya sa resulta ng kanyang pagpaparetoke.

Saad niya, “Siyempre nakikita mo sa sarili mo na maganda ka.

"So, siyempre, dun tayo nagsisimula sa araw-araw. Makikita natin hitsura natin.

"So, eto na yun. So, dun ako kumukuha ng lakas ng loob."


Stories We Are Tracking

Miho Nishida confirms undergoing cosmetic surgery
Miho Nishida confirms undergoing cosmetic surgery
Miho Nishida speaks up about her
Miho Nishida speaks up about her "improved look"

Samantala, thankful din si Miho sa bago niyang acting project.

Makakasama siya sa upcoming teleserye nina Piolo Pascual, Arci Muñoz, JC de Vera, Alessandra de Rossi, at Empoy Marquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN