Ai-Ai delas Alas, family hit back at netizens bashing them for their photo with Alden Richards

IMAGE Courtesy: @sophdelasalas on Instagram

Hindi nakalusot sa buong pamilya ni Ai-Ai delas Alas ang ilang bashers. Pinagtulungan nila itong sagutin sa comments section ng Instagram post ng komedyana na kasama nila si Alden Richards.


Kinuyog ng pamilya ni Ai-Ai delas Alas ang ilang bashers sa Instagram.

Burado na ang mga komento ng bashers, ngunit makikita pa ang mga sagot ni Ai-Ai, asawa nitong si Gerald Sibayan, anak na sina Sancho Vito at Sophia delas Alas, at girlfriend ni Sancho na si Shanna Retuya.

Nag-ugat ang pamba-bash ng netizen sa larawang ibinahagi ni Ai-Ai kagabi, January 2, kung saan nakasama ng kanyang pamilya ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa birthday celebration nito.

Nagdiwang ng kanyang 26th birthday si Alden sa pag-aari niyang restaurant, Concha's Garden Cafe, sa Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Ai-Ai sa caption ng kanyang post: “First family picture of 2018.. happy bday baby boy alden.”

Unang nagkomento si Sancho laban sa isang netizen na nagsabing kung makahawak daw si Sophie ay para na nitong boyfriend si Alden.

Burado na ang komento ni @prettiedei sa comments thread.

Sagot ni Sancho, pamilya ang turing nila kay Alden kaya ganun sila ka-close sa binata.


Kasunod na napagtuunan ng pansin ng pamilya ni Ai-Ai ang basher na may handle name na @ako2siuna. 

Kahit burado nang lahat ang mga komento ni @ako2siuna, makikita pa rin dito ang pagkuyog ng mag-anak sa basher:


















“HOW STUPID YOU GUYS…” Sa kabila nito, hindi pa rin nagpaawat ang ibang bashers, pati na si @ako2siuna.

Sa pagkakataong ito, sa personal account naman ni Sophie sila nagkomento.

Sa post ng anak ni Ai-Ai kagabi rin, ipinakita niya ang larawan kung saan magkayakap sila ni Alden.

Sabi ni Sophia sa caption: “Happy Birthday to my brother by heart! You're 26 now yet sometimes I feel like I'm the older one. I wish nothing but the best for you cause you deserve it, den. Always remember that mom, kuya and I are here for you whenever you need us. we love you! Stay makulit and charming!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay may nagkomento agad na sinang-ayunan ni @ako2siuna.




 

Sagot naman ni Sophie, wala siyang pakialam kung ma-bash man siya. 



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN