Lea Salonga gives unsolicited advice to Sen. Sherwin Gatchalian on dealing with bashers

IMAGE Facebook photo of Senator Sherwin Gatchalian (left)/Noel Orsal (right)

Lea Salonga on dealing with haters on social media, as reaction to Senator Sherwin Gatchalian's Twitter meltdown: "Being a public figure means having to deal with haters and bashers from time to time, whether in person or on social media. Keeping the eyes on what's important is what keeps one sane through the craziness."


“Oh dear. If you can’t handle the heat, get out of the kitchen.”

Ito ang naging reaksiyon ni Lea Salonga nang makita ang balita tungkol pagmumura ni Senator Sherwin Gatchalian sa Twitter noong News Year's Day, January 1.

Hindi napigilan ng 43-anyos na senador na pumatol sa ilang netizens na sumalungat sa kanyang komento sa artikulong lumabas sa Rappler noong December 31.

Ang titulo ng artikulo ay "Liberal Party: 2018 'may be the fight for nation's soul'"

Komento naman dito ni Senator Gatchalian: "The nation already lost its soul in the last 6 years."

Kalakip ng tweet na ito, may isang netizen ang nag-repost ng tweets ni Gatchalian noong 2010, kung saan naninilbihan pa siya bilang kongresista ng first district ng Valenzuela City.

Sa mga tweet noon ni Gatchalian ay puring-puri niya si dating Pangulong Noynoy Aquino at ang administrasyon nito.

Sa comments section ay kinuyog naman ng netizens ang senador at tinawag siyang "trapo," "ingrato," at "ungas."

Sa thread ay makikitang sumagot dito si Gatchalian.

Magkakasunod na “g*go” at “ul*l” ang mga naging sagot ng senador sa mga netizen na pumuna sa kanya bilang isang pulitiko.

Hindi naman itinanggi ni Gatchalian na sa kanya mismo galing ang mga sagot na ito.

Paliwanag niya, napuno lamang siya dahil “Daming nang-iinis, e.”

Depensa pa ni Gatchalian: “Tao rin po kami. May breaking point din kami. Hindi naman kami manhid.”

LEA'S ADVICE. Para naman sa Pinay Broadway star na si Lea Salonga, hindi dapat naging ganun ang asal ni Senator Gatchalian, lalo pa't isa itong public figure.

Pahayag ni Lea, “Being a public figure means having to deal with haters and bashers from time to time, whether in person or on social media.

“Keeping the eyes on what’s important is what keeps one sane through the craziness.”

Sabi pa ng original Miss Saigon star, kahit siya ay nakaranas na ng pamba-bash sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The stuff I’ve been called on social media through the years is enough to drive one crazy, but it hasn’t.

“I won’t let the haters and bashers win.

“Besides, there are more good people out there than not,” tweet ni Lea.

Isa raw paalala ang nangyari, hindi lang para sa mga celebrity na tulad niya kundi para na rin sa mga pulitiko.

Sabi ni Lea: “Let this be a reminder to celebs, politicos, etc. on social media, only one degree of separation from everyone else.

“You’re fair game the moment you open an account, and it can really test your patience and resolve.”

Ayon pa sa 46-year-old singer-actress, kailangang panatilihin ang respeto sa pakikipagpalitan ng opinyon sa anumang oras.

“That said however, we should all engage fully mindful of the impact our words have on one another.

“Let’s keep all discourses respectful, even when our opinions are contrary to someone else’s.

“Thanks, that is all,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN