Comedian Super Tekla cries justice for sister's death in Kuwait

IMAGE Facebook Photo of SuperTeklah Librada

"DI AKO NANINIWALANG NAGPAKAMATAY KA DI DAHIL WALA AKNG MAKITA AT MAISIP NA DAHILAN PARA GAWEN MO YUN," hinagpis ni Super Tekla tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid na isang OFW sa Kuwait.


Humihingi ng katarungan ang komedyanteng si Super Tekla sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa kanyang Facebook post kahapon, January 2, punung-puno ng hinagpis ang mensahe ni Super Tekla—Romeo Librada sa tunay na buhay—dahil sa sinapit ng kapatid na si Marife Librada.

Si Marife ay isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

Hindi matanggap ni Super Tekla na nagpakamatay ang kapatid.

“DI AKO NANINIWALANG NAGPAKAMATAY KA DI DAHIL WALA AKNG MAKITA AT MAISIP NA DAHILAN PARA GAWEN MO YUN!!HINDI AKO TITIGIL HANGGANG DI MABIGYAN NG HUSTISYA ANG PAGKAMATAY MO!!JAN SA KUWAIT,” hinaing ni Tekla sa kanyang Facebook post.

Nanghihinayang din ang Kapuso comedian dahil hindi niya nakasama ang kapatid bago ito pumanaw.

“SAYANG DIMANLANG KITA NASABIHAN NA MAHAL NA MAHAL KA NI KUYA ANG SAKIT SA DIBDIB ANG KA LUNOS LUNOS NA SINAPIT MO JAN!!PAALAM BHIEE BUNSO DI KA NA NAMIN MAKAKASAMA!!!” pagtangis niya.

Kasunod nito ay nag-Facebook Live din si Super Tekla upang pasalamatan ang mga taong nakiramay sa kanya.

Nanawagan din siya sa gobyerno, lalo na Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, na tulungan ang kanyang pamilya na mabigyang linaw ang pagkamatay ng kanyang kapatid.

Aniya, “Sana po ay matulungan tayo ng embassy na masilip ang kaso ng kapatid ko para malaman po namin kung siya ang pinatay o nagpakamatay.

“Ang kapatid ko po ay isa rin pong biktima [katulad ng] mga Pilipinong inaabuso, minamaltrato sa ibang bansa.

“Matatanggap po namin kung talagang nagpakamatay siya.

“Wala naman po kami magawa, pero kung sakali hong bigyan po kami ng pagkakataon na masilip po ang sitwasyon ng kapatid ko diyan sa Kuwait.”

Ayon pa sa komedyante, hindi lamang ito para sa kanyang kapatid kundi para na rin sa mga katulad nitong OFWs.

“Para po ma-prevent pa po natin kung saka-sakali po na may mga insidente pang mangyari uli sa mga kababayan natin na nangingibang-bansa na inaabuso tapos pinapalabas nila na nagpakamatay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa niyang muli, “Kailangan po namin na matulungan kami ng ating embassy at ng ating gobyerno para po matingnan at mabigyan ng agarang aksyon ang pagkamatay ng kapatid ko sa Kuwait.

“Alam ko na hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito. Marami po kaming mga pangyayaring ganyan pero wala pong choice kasi wala naman silang magagawa.

“Buong puso naming tatanggapin 'yon kung siya ay nagpakamatay.

“Pero sana po kung may pagkakataon bibigyan naman kami ng laban para naman mabigyan ng linaw ang pagkamatay ng kapatid ko.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.”

Kasalukuyang nasa Canada si Super Tekla, kasama ang kapwa komedyanteng si Donita Nose, para sa ilang shows.

Agad daw siyang uuwi sa Pilipinas pagkatapos ng trabaho para maasikaso ang mga labi ng kanyang kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN