Is Marvin Agustin's cryptic post alluding to comments about his photo with Marrki Stroem?

IMAGE Markki Stroem Instagram / Marvin Agustin

Pinayuhan ni Marvin Agustin ang kanyang followers sa Instagram na huwag maging mapanghusga dahil nakakapangit daw ito. Ito ay tila may kinalaman sa mga komento sa IG photo kung saan kasama niya ang singer-actor na si Markki Stroem.


Binigyang kulay ng ilang netizens ang Instagram post ng singer-actor na si Markki Stroem tungkol sa Japan vacation niya kasama ang aktor na si Marvin Agustin.

Kasama sa larawang nai-post niya ang kambal na anak ni Marvin at ilang mga kaibigan.

Caption ni Markki sa kanyang post noong January 3: “Such a fun New Years group this year! Thank you all for all the beautiful memories! Thanks for tagging me along. Heres to an amazing 2018.”

Kaagad bumuhos ang komento ng netizens tungkol kina Markki at Marvin, dahil marahil sila ang mga artista sa grupo.

May mga nagsabing “love wins” at mayroon ding nagkomento ng heart emoticons.

Narito ang ilan sa kanila:









May mga nagtanggol din naman sa dalawa at sinabing huwag maging judgmental.



Sa Japan nag-celebrate ng bagong taon sina Marvin at Markki, kasama ang iba pang mga kaibigan at mga anak ng una.

May mga hiwalay silang larawan kung saan pareho ang mga lugar na kanilang pinasyalan.

My goal is to create a life i dont need a vacation from... #HappinessEveryday

A post shared by Marvin Agustin (@marvinagustin) on

Fun day on the Annupuri slopes! I love Niseko! ??

A post shared by Markki Stroem (@markkistroem) on

“NEVER. BE. JUDGEMENTAL.” Ngayong umaga ng Huwebes, January 4, nag-post naman ng cryptic message sa kanyang Instagram account si Marvin.

Ayon sa photo message: "Before you assume, learn the facts. Before you judge, understand why. Before you hurt someone, feel. Before you speak, think."

Dagdag pa ng Kambal Karibal actor sa caption, huwag maging judgmental dahil hindi ito nakakabuti sa tao.

Saad ni Marvin: “NEVER. BE. JUDGEMENTAL. It wont help any situation and wont do you any good. In fact, nakakapangit.”

Hindi tinukoy ng aktor kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang post na ito, ngunit mahihinuhang may kinalaman ito sa mga komentong natatanggap niya tungkol sa larawan nilang magkasama ni Markki.

Pero may nagkomento namang dapat ay umamin na raw sila at "love wins."


Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marvin noong November 2017, sinabi niyang "good friend" lang niya si Markki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya napipikon sa mga intriga tungkol sa kanila dahil matagal na siya sa showbiz.


Stories We Are Tracking

Marvin Agustin reacts to rumors about him and Markki Stroem
Marvin Agustin reacts to rumors about him and Markki Stroem


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN