Isang matamis na mensahe ang inihandog ni Enrique Gil para sa rumored girlfriend na si Liza Soberano, na nagdiriwang ng kanyang ika-20 kaarawan ngayong Huwebes, January 4.
Sa pamamagitan ng Instagram post, sinabi ni Enrique: “To the woman that I call my forever, all I want is for you to be happy in all that you do.
“You fill the gaps in my life with your love, simplicity and kindness, seeing you smile makes me feel completely and genuinely happy.
“I promise to make you smile for the rest of my life i love you happy birthday mi corazon”
Bago ito, kilig din ang hatid ng Kapamilya love team sa kanilang fans dahil sa mga larawan nilang magkasama habang nagbabakasyon sa Europe.
Magkasama nilang ipinagdiwang ang Pasko at sinalubong ang Bagong Taon sa bakasyong ito.
Sa ngayon ay wala pang tuwirang pag-amin ang dalawa tungkol sa relasyon nila.
Pero minsan nang tinawag ni Enrique si Liza na “my other half.”
Samantala, inilarawan naman ni Liza ang relasyon nila ni Enrique bilang “relationship with no labels.”