Sheena Halili thanks Maine Mendoza for new love life

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Sheena Halili is thankful to Maine Mendoza, who wished for Sheena to have a love life. Before year 2017 ended, Sheena took to social media to announce that she is in a relationship with a non-showbiz guy. 


Pinasasalamatan ni Sheena Halili si Maine Mendoza sa pagkakaroon niya ng love life.

Isang abugado ang boyfriend ngayon ni Sheena, si Jeron Uy Manzanero.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sheena ng picture nilang magkasintahan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang matamis na caption ng Kapuso actress para sa boyfriend: “Isang madiin na halik ng kasiyahan, pasasalamat at pagmamahal para sa Lalakeng bumuo ng mundo kong IKAW NALANG ANG KULANG IKAW ang sagot sa malaking puwang ng puso kong sumisigaw ng 'Lord, pengeng lovelife'

"Tatapusin ko ang 2017 ng TAYO ang laman at umpisahan ko ang 2018 na sana TAYO na hanggang walang katapusan.  #anglalimnaman”

Sa comments section, tatlong heart emojis ang komento ng kaibigan ni Sheena na si Maine Mendoza.

Mensahe ng StarStruck alumna sa Eat Bulaga! host: "natupad na wish mo para sakin."

Dagdag pa ni Sheena, "lakas mo talaga kay Lord."



Nabuo ang pagkakaibigan nina Sheena at Maine sa 2017 GMA primetime series na Destined To Be Yours.

November 2017 nang isapubliko ni Sheena, via social media, ang tungkol sa kanyang boyfriend.

Base sa Facebook account ni Jeron, nag-high school siya sa De La Salle Greenhills.

Kumuha ng kursong Management sa University of Asia and the Pacific at nag-aral ng Law sa Ateneo De Manila University.

Legal consultant din siya sa Manila City Hall at legal counsel naman sa City of Dreams Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN