Robi Domingo explains why he's not the "perfect guy" for Sandara Park

IMAGE Instagram photo of Sandara Park

Robi Domingo on why he cannot be Sandara Park's boyfriend: "What Sandara deserves is a perfect guy kasi perfect girl siya. I'm not perfect. I try to be the perfect version of myself lang."


Upang tapusin na ang intriga, muling nilinaw ni Robi Domingo na magkaibigan lamang sila ni Sandara Park.

Sa guest appearance niya sa Magandang Buhay ng ABS-CBN noong Huwebes, January 4, natanong muli ang Kapamilya TV host tungkol sa pagkaka-link nila ng dating miyembro ng all-female K-pop group na 2NE1.


Stories We Are Tracking

Sandara Park denies any involvement in Robi-Gretchen split
Sandara Park denies any involvement in Robi-Gretchen split
Robi embarrassed by rumors linking him to Sandara
Robi embarrassed by rumors linking him to Sandara
Robi Domingo on meeting Sandara Park:
Robi Domingo on meeting Sandara Park: "Wala namang malisya."

“We’re good friends talaga,” giit ni Robi.

“Whenever she’s here, bumibisita lahat ng mga kaibigan niya.

“At kapag pumupunta naman kami sa Korea, nag-uusap din kami, kasama ng ibang mga kaibigan.

"And she’s a nice person."

Nilinaw ni Robi na walang anumang naudlot na espesyal na ugnayan sa kanilang dalawa ni Sandara.

“Hindi naman, wala namang nangyaring ganun,” sabi ni Robi sa mga host ng Magandang Buhay na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros.

Sa palagay ni Robi, hindi siya ang nararapat na lalaki para sa Korean star, na naunang nakilala rito sa Pilipinas.

Paliwanag niya, “What Sandara deserves is a perfect guy, kasi perfect girl siya.

“I’m not perfect. I try to be the perfect version of myself lang.”

DO NOT LOOK FOR LOVE. Samantala, nabanggit din ni Robi na noong 2017 ay hindi talaga niya binigyang pansin ang love life.

Aniya, “Last year, hindi kasi ako naghanap naman talaga.

“Pinabayaan ko lahat ng mga pangyayari, at saka mas nag-focus ako sa pamilya at sa mga business.”

May bahagi raw na sinubukan niyang buksan ang kanyang puso para sa bagong relasyon.

Pero aniya, “Hindi ako nasa mood, wala pa sa tamang panahon.”

Ang huling nakarelasyon ni Robin ay ang volleyball player-turned-TV host na si Gretchen Ho.

Sa ngayon, ito raw ang natutunan ni Robi tungkol sa pag-ibig base sa kanyang karanasan: “Yung pag-ibig kasi—nalaman ko all throughout the years, all the past years—hindi mo siya dapat hanapin.

“Papabayaan mo lang siya, kasi yung pag-ibig, hahanapin ka niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At darating ‘yan, tulad ng sinasabi ni Kuya sa Pinoy Big Brother, sa takdang panahon.”

Sa palagay ba ni Robi ay darating ito ngayong taon?

Sagot ng binatang host, “Sana. Pero hindi ko siya ipipilit.”


Stories We Are Tracking

PEP YEARENDER 2017: John Lloyd-Ellen and other celeb hookups
PEP YEARENDER 2017: John Lloyd-Ellen and other celeb hookups
PEP YEARENDER 2017: Shocking showbiz breakups
PEP YEARENDER 2017: Shocking showbiz breakups


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN