Ellen Adarna finally confirms relationship with John Lloyd Cruz: "Sinong mag-aakala na magiging kami?"

IMAGE Ellen Adarna Instagram

Pamilya na rin ang turing ni Ellen Adarna at ng pamilya nito sa kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz. Ito ang ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram post kagabi, January 4. 


Pinag-usapan ng netizens kahapon, January 4, 2018, ang "family portrait" ng pamilya ni Ellen Adarna sa Cebu, kung saan kasama ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Ang larawang ito ay in-upload ng isang netizen sa Instagram.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz is now in Ellen Adarna's family portrait
John Lloyd Cruz is now in Ellen Adarna's family portrait

Kinagabihan, si Ellen na mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account ng naturang larawan.

Nilagyan niya ito ng caption na “Fambam” at may heart emoticon pa.

Fambam ??

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Tila ito na ang direktang pagpapahiwatig ng sexy star na tanggap na tanggap ng kanyang pamilya si John Lloyd.

Sa comments section, nagpost ang isang kaibigan ni Ellen. Maligaya raw siya para sa sexy star.

Sagot ni Ellen sa wikang Bisaya: "Di ba??? Hahaha kinsay nag too na ma kami diay lol." (Di ba? Hahaha sinong mag-aakala na magiging kami lol.")


Sa isa pang post ng isang netizen, makikita naman ang larawan ni John Lloyd kasama muli si Ellen at ang pamilya nito sa tabi ng isang Christmas tree.

The Adarnas . #ellenadarna #johnlloydcruz #ctto #notmyphoto

A post shared by Team Baby Love (@jlc_ellen) on

Nobyembre 2017 inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang eksklusibong balitang buntis na si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Ngunit hanggang ngayon, wala pang tuwirang announcement mula sa dalawa tungkol sa pagbubuntis ng sexy star. 


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN