Sharon Cuneta shocked by daughter KC Concepcion's throwback sexy photo

IMAGE Noel Orsal / Instagram (@itskcconcepcion)

Idinaan sa biro ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang reaksiyon sa throwback sexy photo ng panganay niyang anak na si KC Concepcion. Sabi ni Sharon, "Why?! WHY THIS POSE, MARIA KRISTINA CASSANDRA CUNETA CONCEPION?!!!!!!!!!! Bakit? BAKIT MO INAGAW ANG POSE KO?!!! Sa next pictorial ko dapat gagawin yan eh. Tsk tsk tsk. Taksiyapo ninganacu!"


Napa-react si Sharon Cuneta sa throwback sexy photo ng panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Kahapon, January 4, nag-post si KC sa Instagram ng throwback photo kung saan ang tanging suot niya ay black leather jacket at itim na underwear.

Kuha ang naturang larawan sa sexy pictorial niya para sa Rogue magazine noong 2012.

Sa comments section, nagbiro si Sharon na tila nagulat siya sa sexy pictorial ng anak na 32-anyos na ngayon.

Unang komento ng 51-anyos na Megastar, “Why?! WHY THIS POSE, MARIA KRISTINA CASSANDRA CUNETA CONCEPION?!!!!!!!!!! Bakit? BAKIT MO INAGAW ANG POSE KO?!!! Sa next pictorial ko dapat gagawin yan eh. Tsk tsk tsk. Taksiyapo ninganacu!”

Ang "Taksiyapo ninganacu!" ay salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay “Grabe naman ang anak ko.”

Pagpapatuloy ni Sharon, “Hahaha! Joke! Calma mama Calma tranquiko tranguilo. Y Kristina, basta YA OKAY?!”

Dagdag pa ng singer-actress, “Hmmp! [M]akasuot nga ng thong sa pictorial. At di ako magsusuot ng jacket. Hmmp.”


Si KC ay anak ni Sharon sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN