Dennis Trillo sure Jennylyn Mercado is the one; unsure about wedding plans

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo on his relationship with Jennylyn Mercado: "Ganun talaga pag masaya ka, pag proud ka sa isang bagay. Hindi ka mahihiya na ipakita o makita ng mga tao yung happiness mo."


Sang-ayon si Dennis Trillo na kasal na lang ang kulang sa kanila ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Magkakasama nga ang mga pamilya nila na nagdiwang ng nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Pahayag ni Dennis, “Yun na nga lang siguro ang kulang. Pero darating din yun.

“Malalaman niyo din naman pag dumating na yung araw na yun.”

Ipapaalam niya sa publiko?

"Oo naman!" natatawang sagot ni Dennis, na kilalang pribado pagdating sa personal niyang buhay.

Kaya pahabol niya, "Pag tapos na! Loko lang, loko lang!”

Mabilis din niyang idinugtong na hindi niya pakakawalan pa ang nobya.

“Ganun na nga. Masaya kami, e.”



Na-imagine ba niyang si Jennylyn na ang makakatuluyan niya?

Ani Dennis, “Kailangan ma-imagine mo yun.

"Dahil kung hindi, ibig sabihin, may problema.”

May plano na ba siyang mag-level up sila ni Jennylyn ngayong 2018?

Seryoso niyang sagot, “Unti-unti, pinaplano.

"Pero, siyempre, may mga kanya-kanyang careers pa kaming kailangan asikasuhin."

Sabi pa ng The One That Got Away actor, "Sa ngayon, yun muna.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Dennis pagkatapos ng press launch/mini-concert ng The One That Got Away (TOTGA), ang opening salvo na primetime series ng GMA Network ngayong 2018.

Ginanap ito kagabi, January 4, sa NIX.05 sa Tomas Morato, Quezon City.

FAMILY'S APPROVAL. Ikinatuwa raw ni Dennis ang pagbahagi ni Jennylyn ng Instagram photos ng kanilang adventures bilang magkasintahan, pati na rin ang bonding moments nila kasama ang kanilang mga pamilya sa buong 2017.

Aniya, “Ganun talaga pag masaya ka, pag proud ka sa isang bagay.

"Hindi ka mahihiya na ipakita o makita ng mga tao yung happiness mo.

“Yun naman ang importante, e—yung contentment mo sa buhay kung saan ka masaya.”

Binanggit din ng PEP.ph ang nasabi noon ni Jennylyn na pagdating sa kanyang ama, parang anak na ang turing kay Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento naman ng Kapuso actor, “Mabubuting tao rin kasi yung miyembro ng pamilya niya kaya hindi mahirap na mapalapit ka sa kanila or mahalin mo yung bawat isa sa kanila.

“Ganun talaga, e. Ganun din siya sa pamilya ko.”



Stories We Are Tracking

Jennylyn Mercado summarizes  good times with  Dennis Trillo
Jennylyn Mercado summarizes good times with Dennis Trillo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN