John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep, says Lolit Solis

IMAGE Instagram photo of Ellen Adarna

"Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen. So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love," says Lolit Solis about the reported wedding of John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.


Nag-umpisa na raw ang paghahanda para sa kasalang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ito ang sinabi ng talent manager at batikang entertainment columnist na si Lolit Solis sa kanyang Instagram account ngayong araw, January 5.

Lahad ni Manay Lolit, na siyang tawag kay Lolit sa showbiz: “May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February.

“Kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag Christmas at New Year si John Lloyd.

“Among major sponsors daw [sina] Dr. Cuanang ng St. Luke's at dating secretary na si Bert Romulo, tatay ni Roman at Mons.”

Si Dr. Joven Cuanang ay minsang namuno ng St. Luke's Medical Center at may pagmamay-aring art galleries, tulad ng Boston Art Gallery at Pinto Art Museum.

Si Alberto Romulo ay foreign affairs secretary noong presidente si Benigno Aquino III at ama ni Erwin Romulo, malapit na kaibigan ni John Lloyd.

Kasunod nito, inihayag ni Lolit ang tila pagkatuwa niya sa magandang kinahantungan ng relasyon nina John Lloyd at Ellen.

Sabi niya, “Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen.

“So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love.

“Bongga talaga... dahil di ba kahit ano pa sabihin nila, na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal.

“Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya.”

Sa huli, positibong sinabi ni Lolit, “Hay happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga.”

May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February , kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St Luke's at dating secretary na si Bert Romulo , tatay ni Roman at Mons. Bongga , sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen . So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love , bongga talaga Salve dahil di ba kahit ano pa sabihin nila , na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal. Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya , hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit #pilipinostarngayon #pangmasa #instascoop

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Nitong mga nakaraang araw ay kumalat sa social media ang family portrait nina Ellen, kasama ang boyfriend niyang si John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinalaunan ay si Ellen na mismo ang nag-post ng naturang larawan sa kanyang Instagram account.

Sa comment section, sumagot siya sa isang kaibigang bumati sa kanila ni John Lloyd sa wikang Bisaya:

“Di ba??? Hahaha kinsay nag too na ma kami diay lol." (Translation: "Di ba? Hahaha sinong mag-aakala na magiging kami lol.")


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz is now in Ellen Adarna's family portrait
John Lloyd Cruz is now in Ellen Adarna's family portrait
Ellen finally confirms relationship with John Lloyd
Ellen finally confirms relationship with John Lloyd

Eksklusibong ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2017 na buntis na si Ellen, at si John Lloyd ang ama.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang announcement mula sa magkasintahan tungkol sa pagdadalantao ng sexy star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN