Nadine Lustre gives advice to people experiencing depression

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre gives advice to people going through depression, after her teenage brother committed suicide due to depression last year. Nadine, who has gone through the condition herself, says boyfriend James Reid became her support system to overcome it. 


Inamin ni Nadine Lustre na unti-unti na siyang nakakabangon mula sa matinding na pagsubok na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya noong nakaraang taon.

Aniya, malaki ang naitulong sa kanya ng boyfriend na si James Reid para maka-recover.

“Marami po kasi akong pinagdaanan last year and James is one of the most patient na tao na nakilala ko. As in yung stress, and everything… depression and all, yung mood swings ko, hindi talaga na tama. Hindi siya nagsasawa and hindi po siya nagagalit.

"Basta sobrang patient at saka maaalaga po siya,” pagbabahagi ni Nadine sa press conference ng Revolution: The JaDine Concert, ang upcoming concert nila sa February 9 sa Araneta Coliseum.

Oktubre 7, 2017 nang mag-suicide ang teenage brother ni Nadine na si Isaiah.

Base sa ulat, matinding depresyon ang naranasan ng kapatid ng 23-taong-gulang na aktres.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre reveals own battle with depression
Nadine Lustre reveals own battle with depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression

Dagdag pa ni Nadine, nadagdagan daw ang kanyang lakas ng loob na bumangon sa matinding kalungkutan sa pagpanaw ng kapatid dahil sa mga taong tumitingala sa kanila na may mga pinagdadaanan din sa buhay.

“I feel really blessed kasi all these people look up to me and say, ‘You and James make us happy. I forget about my stress and you make me happy.’

“Nakakataba ng puso na parehas kami ng situation, and napapasaya ko. I think yun yung reason kung bakit na pinilit ko ang sarili ko, pull myself up and to just stay strong and be there for everyone.”

ADVICE FOR THE DEPRESSED. Hiningan ng mensahe si Nadine para sa mga taong dumadaan din sa depression.

“For everyone who’s going through depression, find someone who’s going to listen to you and help you go through it,” simula ng Kapamilya actress.

“Kasi yun lang naman po yun, e. Kailangan lang i-share lang talaga siya sa taong pinagkakatiwalaan mo.

“Kailangan lang kasi ilabas lang nang ilabas yung nararamdaman mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You can’t just hold it inside kasi ang ending no’n, sasabog ka talaga.”

Payo naman niya sa mga may kakilalang dumadaan sa depression, “Makinig lang po kayo kasi hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong ang nagagawa nyo just by listening.”

Sinegundahan naman ito ni James.

Lahad ng Filipino-Australian singer-actor, “If you have a friend that is in need, you really make an effort. It’s obviously very hard for them.”

Sabi pa ni James, kailangan maging mahaba ang pasensiya para sa mga taong nakararanas nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN