Erich Gonzales visited by a rich guy during Siargao filming, reveals Kris Aquino

IMAGE Glen Sibonga

Kris Aquino told reporters attending the Siargao screening that she sponsored that Erich Gonzales was frequently visited on the set by a guy who was flown in and out via private plane. As clue, Kris added that the fellow belongs to the Top 20 richest families in the Philippines.

 


Ibinuko ni Kris Aquino ang bagong development sa love life ni Erich Gonzales.

Itinuturing ni Kris na isa niyang sister sa showbiz si Erich, kasama na si Kim Chiu.

Sa block screening ng Siargao, na in-sponsor ni Kris noong January 4 sa Cinema 2 ng Ayala Malls, ay nagkaroon ng maiksing tsikahan-cum-interview sina Kris at Erich para sa YouTube Channel ni Kris na The Aquinos.

Ang Siargao ang Metro Manila Film Festival 2017 entry na pinagbibidahan ni Erich, kasama sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis Smith.

Sumuporta rin ang mga anak ni Kris na sina Bimby at Josh sa kanilang Ate Erich. Nanood din sila ng pelikula.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naturang block screening.

“Inside scoop… meron daw dumadalaw kay Erich sa set ng Siargao. May pumunta raw, naka-private plane. But I’m not saying who,” bitin na rebelasyon ni Kris.

Inihayag daw ito ni Kris para tigilan na si Erich ng bashers at ng mga nagli-link sa kanila ni Paul Soriano, ang direktor ng Siargao.

Very vocal si Kris sa pagtatanggol kay Erich.

“Now you understand why kung bakit galit na galit ako doon sa gumagawa ng intriga about her at yung mga inaanak kong si Direk Paul at si Celestine [Toni Gonzaga].”

Si Kris ay ninang sa kasal nina Paul at Toni.

Sabat naman ni Erich, “Sabi ko kasi, ‘Ate Kris, okey lang iyan. Bahala sila.’ Sabi niya, ‘No, hindi pwedeng bahala na.’”

Pagpapatuloy ni Kris, “Hindi pwede, kasi yung mga fake news na ganyan, dapat you deal with it. Because you have to live your truth.

“And yun nga, inimbestigahan ko rin naman.

"Tumawag ako sa inaanak ko, sinabi ko kay Celestine, ‘Celestine, ano?’

"‘Ate, may dalaw nang dalaw sa kanya naka-private plane.’

"Sabi [pa] niya, ‘So, wala talaga akong pangamba at all.’"

Pagtatapos ni Kris, “Thank you, Lord. Thank you, God. Thank you so much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

ERICH IS NOW HAPPY. Ayon pa kay Kris, nakikita raw niya ang ibang ningning at saya sa mga mata ni Erich ngayon, kumpara sa kalungkutan nito noong nakaraang taon nang naganap ang paghihiwalay sila ni Daniel Matsunaga.

“Tignan niyo naman ang ngiti," dagdag uli ni Kris. "Yehey! Marunong si God.

"Ang gusto ko lang sabihin doon, God knows, God has His ways, and talagang she [Erich] didn’t stop praying.”

Sa hiwalay na interview kay Kris, kahit anong pilit ng press ay ayaw niyang sabihin kung sino yung lalaking dumadalaw kay Erich.

Pero ang clue raw ay kabilang sa Top 20 richest families sa Pilipinas ang lalaki.

 

KRIS RECOMMENDS SIARGAO. Inirekomenda na lang ni Kris na panoorin ang Siargao, at sana mapuntahan daw ito ng mga manonood habang nasa sinehan pa ang pelikula.

“With five as the highest, I’ll give Siargao a five. This is a movie to watch in the cinema kasi for you to be able to appreciate the beauty of Siargao.

"Ang ganda talaga ng Siargao, dito ko nakita kung gaano siya kaganda talaga, grabe.

“It makes you proud to be Pinoy. Kasi marami na akong napuntahang ibang beaches sa ibang Asian countries—ang layo, ang ganda talaga.

"Amazing talaga yung mga drone shots, bilib na bilib ako.

"And si Erich, she can’t swim. The very fact na nagawa niyang mag-surf, I’m so proud of you.

“And doon sa story, I think lahat tayo nakaka-relate kasi lahat tayo, may pinanghihinayangan.

“The plot, simple, pero I think that's what makes it beautiful, because hindi yung maraming characters na mahihilo ka. Its focus talaga is on four people basically.

“This movie teaches you about humility and acknowledging kung kailan ka nagkamali and trying your best to make up for it. Na-impress ako.

“Ang pinakana-impress ako is that everybody acted so naturally—ikaw [Erich], si Jasmine, si Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magaling si Direk Paul, kasi nagawa niya in such a way na I didn’t feel you’re acting. Gandang-ganda talaga ako doon sa overall. Ngayon naiintindihan ko na why the word of mouth is so great.

“And I just want to congratulate the entire team, lahat ng bumuo ng Siargao, because you are against giants. The fact na dumaan kayo sa butas ng karayom to make it here.

"From all I’ve been hearing pataas nang pataas ang ranking. Congratulations, I’m so proud of you,” pagbati pa ni Kris kay Erich.

May pakiusap pa sa mga tao si Kris, “Please sana wala namang mag-upload nito [Siargao] sa Facebook, please huwag. Kasi saying, e. We have to encourage the small producers to keep making quality movies.”

Excited din si Kris sa bagong ABS-CBN teleserye ni Erich, ang The Blood Sisters, kung saan tatlong characters ang gagampanan ni Erich.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN