Diego Loyzaga explains accidental posting of nude video

IMAGE Noel Orsal

Diego Loyzaga admits carelessness in posting a video of a recent European adventure, where he was butt-naked at a sauna. While recording the video, he didn't realize that he had accidentally posted it on his Instagram Stories. Realizing his mistake, he immediately deleted the video.

 


Usap-usapan sa social media nitong mga nakaraang araw ang nude video diumano ni Diego Loyzaga na nai-post niya sa kanyang Instagram Stories noong Huwebes, January 4.

Ang Instagram Stories ay nabubura matapos ng 24 oras. Ngunit binura ito ng 22-year-old Kapamilya actor bago pa man umabot dun.

Ayon kay Diego, aksidente lamang kasi ang pagkaka-upload ng video na kuha mula sa bakasyon niya sa Europa.

Lahad ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, “It’s not a pic. It's a video.

"Kung panoorin niyo po yung mga stories ko on my whole trip, I have it saved there, on the highlights ng buong Europe trip.

“It shows kung paano nangyari yun.

"It’s a European tradition talaga na… it’s Swedish and Finnish tradition na you get butt-naked in the bath tub…

"Sauna muna 'coz it’s snowing outside, then you’re going to the sauna.”

Nagpaka-adventurous lang daw siya at sinubukan ang nasabing kagawian sa Amsterdam, Netherlands.

Dagdag pa ni Diego, “And I don’t know why naging problema o issue ‘to, kasi tinanggal ko siya kaagad.

“Pero talagang accident lang na na-post ko. Saved and My Story on Instagram [settings] is right next to each other.

“Na-save ko siya and I didn’t know na nilagay ko siya sa My Story, na hindi naman talaga dapat na-post.”

Ayon pa sa Pusong Ligaw actor, naging padalus-dalos siya sa pagpu-post dahil nais niyang ipakita sa kanyang followers ang magagandang lugar na kanyang pinupuntahan.

Aniya, “I was vlogging [video blogging] the whole time while I was in Sweden and in Amsterdam.

"And I was showing everyone who follows me, yung mga ibang kultura sa ibang bansa.

“Naisip ko rin na hindi lahat maintindihan, hindi magi-gets ng lahat ng mga tao dito.

"So, nung nalaman ko na na-post pala yun, tinanggal ko kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung ibang videos the night before, I was in the hot tub, I was naked on top, I was butt-naked.

“Ayun nga, in Sweden, tradisyon nila yun dun.”

Ang isa pa raw nagawa ni Diego na kasama sa kanyang bucket list ay ang pagtakbo nang hubad sa gitna ng snow noong New Year’s eve sa Amsterdam.

Ang nanay pa raw niya mismo na si Teresa Loyzaga ang kumuha ng kanyang picture at video.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Diego sa presscon ng pelikulang Mama’s Girl ngayong Sabado ng hapon, January 6.

Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place sa Quezon City.

Bukod kay Diego, kasama rin sa pelikula ng Regal Entertainment, na opening film salvo ng taong 2018, sina Sylvia Sanchez, Sophia Andres, Jameson Blake, Yana Asistio, Karen Reyes, at Alora Sasam.

Mula ito sa direksiyon ni Connie Macatuno.


BLESSED 2018. Masaya naman si Diego na maganda ang pasok ng kanyang 2018.

Sabi pa ng aktor, “Maganda, blessed, thankful, and happy.

"I feel like a new person this year.

“Siguro maganda lang ang naging bakasyon ko, naka-refresh ako. I’m very positive this year.”

Kuwento pa niya tungkol sa kanyang role sa pelikula, “Ako po dito si Nico, ang ka-love team ni Sophia Andres bilang si Abby, ako yung comic-comic relief.

"Ako yung crying shoulder niya.”

Ipalalabas ang pelikula sa January 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN