Ivan Dorschner thankful for German Moreno Youth Achievement award

IMAGE Noel Orsal

Ivan Dorschner remembers entering German Moreno's office during his first days in GMA-7, "The whole office was a trophy in and of itself... So if I'm a person this year na nakatanggap ng award na nakapangalan sa kanya. You can call me proud."


Sobra ang pasasalamat ng Kapuso hunk at isa sa cast ng The One That Got Away na si Ivan Dorschner.

Natanggap kasi niya ang German Moreno Youth Achievement Award noong nakaraang 65th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards night.

Naganap ang FAMAS awards nung December 28 nitong katatapos lang na taon sa Philippine Science Center Auditorium sa Quezon City.

Tuwang-tuwa si Ivan dahil ang award na natanggap niya, na ipinangalan sa yumaong Master Showman na si Kuya Germs, ang unang major recognition na natanggap niya mula nang pumasok siya sa showbiz nung 2010.

Produkto ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 si Ivan at naging talent siya ng ABS-CBN 2 nang ilang taon.

Noong 2017 lang nakatuntong sa bakuran ng GMA-7 si Ivan at napasama sa hit teleserye na Meant To Be.

“Nagpapasalamat po ako sa board of FAMAS, sa mga curators of our own local contributions to our pop culture.

“Sana napi-feel nyo na I love what I do and I love other people that also love what I do and I would just like to say thank you for the recognition.

“It’s actually my first award in the seven years na nasa showbiz ako,” pahayag ni Ivan sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa press launch ng GMA primetime teleserye na The One That Got Away sa NIX.05 at Belagio Square, Tomas Morato, Quezon City, last January 4.

Hindi raw inaasahan ni Ivan na makakatanggap siya ng naturang award na iginagawad sa mga taga-showbiz na nagiging inspirasyon sa mga kabataan ngayon.

“It feels very important. I'm very thankful sa council ng FAMAS at hindi ko alam kung ano yung ginawa ko mismo.

“Kung achievements, sana itemized list siya para mapakita ko naman sa mga magulang ko.

“I think ang pinakaimportante rito ay yung mga natutuwa sa mga ginawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naapektuhan namin sila. Sana binigyan namin sila ng karapatan sumaya, ngumiti every night sa bawat event namin,” patuloy ni Ivan.

 

REMEMBERING KUYA GERMS. Naalala tuloy ni Ivan ang unang mga araw niya sa GMA-7 nang papasukin siya sa opisina ni Kuya Germs.

“Naaalala ko nung mga first days ko sa GMA, hinila ako bigla ng mga executives papasok sa office ni Kuya Germs.

“The whole office was a trophy in and of itself. Kitang-kita lahat ang mga pagiging creative and artistic niya sa mismong office space niya.

“So if I'm a person this year na nakatanggap ng award na nakapangalan sa kanya. You can call me proud,” ngiti pa niya.

Nagpasalamat din si Ivan sa Kapuso network sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maipakita ang talento niya sa pag-arte.

“GMA has really shown me many doors opened. Choice ko naman buksan 'yon so thank you to GMA at nagkaroon ng tamang direksyon ang career natin.

“I will forever be thankful sa mga nagawa nila sa akin,” diin pa ni Ivan.

 

TAGALOG IMPROVEMENT. Kapansin-pansin ang husay nang magsalita ng Tagalog ni Ivan.

Ayon sa Filipino-American na binata, parati raw siyang nagsasalita ng Tagalog para masanay siya. Sa bahay nga raw nila, madalas na local shows daw ang pinapanood niya para masanay siya sa tunog ng pagsalita ng Tagalog.

“Kahit naman noon pa after PBB [Pinoy Big Brother], I tried speaking Tagalog na.

“Hindi siya madali pero nagawa ko naman.

“Yung accent na lang ang gusto kong maalis sa pagsalita ko ng Tagalog. Mukhang mas okey na ngayon kesa dati, ‘di ba?

“Alam ko na kapag nag-work ka dito as an actor sa Pilipinas, importante na alam mo yung language. At naging matiyaga naman ako na matutunan ang Tagalog dahil Filipino ako,” pagtatapos ni Ivan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN