(UPDATED) Rafael Rosell's missing US-based nephew has been found

IMAGE @rafrafrosell on Instagram

Rafael Rosell's missing US-based nephew Marc Jerwin Harris, has already been found. Marc's brother Mark Jon shared the news on his Facebook account.


Nakita na ang pamangkin ng GMA-7 actor na si Rafael Rosell na si Marc Jerwin Harris.

Nitong nakaraang Biyernes, January 5, humihingi ng tulong si Rafael sa publiko upang mahanap ang nawawala nitong pamangkin na kasalukuyang nakabase sa Palo Alto, California.

Ibinahagi ni Rafael sa Instagram ang larawan ng kanyang 16-year-old na pamangkin kalakip ang mga detalye tungkol dito.

Ayon sa post, January 2 pa nang mawala si Mark Jerwin at huli itong namataang paalis ng kanyang dorm room sa Eastside College Preparatory School sa Palo Alto, California.

Narito ang buong post ni Rafael: "Friends & Family please circulate this flyer. My nephew Marc Jerwin Harris has been missing since Tuesday 01/02/2018.

"He was last seen leaving his Dorm room at Eastside College Preparatory School in Palo Alto California @ 7am wearing a maroon eastside sweater and shorts and his backpack. 16 yrs Old 5’9” Height 140lbs Medium Build Filipino African American Wearing Shorts & Maroon Eastside Sweater."

"Please contact us if you’ve seen him. Cece Rosel @ 510-258-9124 (mom) Mark Jon Rosel Harris @ 510-258-9482 (Brother) Kuya Vil Rosell Angeles @ 510-612-9835 (Uncle) Joe Harris @ 916-281-6926 (Dad) Officer Fausto 650-283-2459"

A post shared by Raf Rosell (@rafrafrosell) on

Kaninang umaga, January 7, ibinalita naman ng kapatid ni Jerwin na si Mark Jon Harris sa kanyang Facebook account na nakita na ito ng kanyang pamilya at kasalukuyan nang nasa kanilang bahay.

Ayon kay Mark Jon, dalawang dating kaklase ni Jerwin ang nakakita dito sa isang library sa San Leandro, California suot ang isang itim na jacket at ang kanyang backpack. 

Kuwento nito, "His former classmates, Yennhi Le and Sophia Arriolla, messaged me on Facebook saying he was at the Washington Manor Library in San Leandro, CA at around 10:39 am.

"He was wearing a black jacket and had his backpack with him. The EPA police department initially attempted to send units down to the library, but we eventually decided to take him home."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi rin ni Mark Jon kung paano napadpad ang kanyang kapatid sa nasabing lugar at sinabing naglakad daw ito mula sa Easy Palo Alto. Halos isang oras ang byahe mula sa San Leandro mula sa East Palo Alto.

Dagdag pa ni Mark Jon, "According to my uncle, he spoke with Jerwin and Jerwin told him that he had walked from Palo Alto to the library just this morning. That’s all the information we have."

Sa huli, nagpasalamat ito sa mga tumulong na mahanap ang kanyang kapatid.

Patuloy niya, "I would like to say thank you to everyone and anyone that sent their prayers, offered to help either by posting flyers or sharing my posts and tweets/stories, or have met with us personally. It’s been a tiring week of driving, stress, and headaches.

"As far as what’s happening next, we’re just spending time as a family right now. The sergeant is planning to talk to him sometime soon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN