Vickie Rushton, Michele Gumabao try their luck with Bb. Pilipinas 2018

IMAGE @vimrushton / @gumabaomichele on Instagram

Star Magic talent Vickie Rushton (left) and former volleyball player Michelle Gumabao (right) submitted their applications for Bb. Pilipinas 2018 on Saturday, January 6, 2018.


Dalawang pamilyar na mukha sa showbiz ang namataan sa pagbubukas ng applications para sa Bb. Pilipinas 2018.

Kahapon, January 6, nag-submit ng kanilang applications ang Star Magic talent na si Vickie Rushton at ang volleyball player na si Michele Gumabao para sa susunod na edition ng naturang pageant.

Namataan ng ilang pageant fans ang dalawa at ilan pang aspiring contestants sa BPCI Office sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Usap-usapan ng pageant fans kung bakit mas maagang gaganapin ang Bb. Pilipinas 2018 competition.

Ayon sa bali-balita, ang isa sa mga dahilan ay mas mapapaaga raw ngayong taon ang gaganapin na 2018 Miss Universe pageant.

Hindi ito ang unang beses na sumali si Vickie sa isang national beauty pageant. 

Noong 2011, itinanghal si Vickie bilang Mutya ng Pilipinas International bago ito sumali sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Sa panayam ng ABS-CBN noong nakaraang Agosto kay Vickie, sinabi nitong bukas pa rin ang kanyang pintuan sa pagsali sa mga beauty pageants.

Aniya, "May mga nagsasabi po sa akin na mag-join.

"Actually, last year dapat mag-start ako [ng] training pero hindi ko po tinuloy."

Si Vickie ay kabilang sa mga beauty-queen aspirants na nag-training sa Kagandahang Flores beauty camp.

Samantala, sumali rin ang dating De La Salle University volleyball player na si Michele Gumabao.

Sa Aces & Queens naman, na pinamumunuan ni Jonas Gaffud, nag-training si Michelle para sa pageant.

Ito ang kauna-unahang beses na sumali si Michelle sa isang beauty pageant.

Matatandaang magkasabay na naging housemate sina Vickie at Michele sa Pinoy Big Brother: All In.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN