Gabby Concepcion greets Sharon Cuneta on her 52nd birthday

IMAGE Noel Orsal

GMA-7 actor Gabby Concepcion took to Instagram on Sunday, January 7, to relay his belated birthday greeting to ex-wife Sharon Cuneta.


Maraming Sharonians ang kinilig nang batiin ng GMA-7 actor na si Gabby Concepcion ang kanyang dating asawang si Sharon Cuneta sa birthday ng huli.

Kahapon, January 6, ipinagdiwang ni Sharon ang kanyang ika-52 na kaarawan.

Ngayon araw, January 7, humabol naman ng pabati si Gabby sa kanyang Instagram account.

In-upload ni Gabby sa kanyang Instagram ang screenshot ng Instagram account ni KC Concepcion, ang anak nila ni Sharon. Makikita sa Instagram feed ni KC ang sunud-sunod na post nito mula sa birthday party ng ina.

Pagbati pa nito, "Happy Birthday. @reallysharoncuneta @itskcconcepcion #goodvibes #happybirthday"

Nasundan ng isa pang post ang pagbati ni Gabby para kay Sharon.

Sulat naman nito, "Happy Birthday...safe from all the storms...@reallysharoncuneta @itskcconcepcion."

Ilan sa Instagram followers ni Gabby ay nag-iwan ng komento na sana'y matuloy na ang nabinbing proyekto nila ni Sharon.

Nakatakda sanang gumawa ng pelikula sina Sharon at Gabby sa Star Cinema ngunit hindi natuloy ang proyekto.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Gabby noong nakaraang taon, sinabi nitong hindi niya tinanggap ang movie project bilang respeto sa GMA Network, na nagbigay sa kanya ng teleserye at pinapirma siya sa kontrata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN