Diego Loyzaga defends Sofia Andres against bashers: "She's a girl, respect naman."

IMAGE Nerisa Almo

Diego Loyzaga calls out netizens telling Sofia Andres she's insecure: "It's not nice, she's a woman. She's a girl, respect naman."


Hindi raw napigilan ni Sofia Andres ang mag-react sa pamba-bash ng ilang netizens kaya nagawa niyang mag-post sa Twitter tungkol rito kamakailan.

Tila nag-umpisa ito nang mag-post siya sa Instagram ng larawan niyang naka-pulang swimwear.

????

A post shared by Sofia Andres (@iamsofiaandres) on

Kasunod nito ay sinabi ni Sofia sa kanyang Twitter post: “i didn’t create an account on instagram to show my tits and butt or show too much skin. there’s this anonymous who actually thinks i’m insecure and can’t be proud of my body. i love myself.”

Sa press conference para sa finale ng afternoon drama series na Pusong Ligaw noong Sabado, January 6, kitang-kita sa mukha ng 19-year-old Kapamilya actress ang pagkadismaya dahil sa hate messages sa kanya, na nababasa niya sa social media.

Pahayag ni Sofia, “Kasi naman, e. Tina-try ko po talaga na, sa mga artista, bawal ang pumatol.

“But kami, may feelings din kami, napipikon.”

Mapapansing ayaw na ni Sofia magsalita pa tungkol sa isyu. Pero handa naman ang kanyang ka-love team at rumored boyfriend na si Diego Loyzaga na depensahan siya.

Sabi ng 22-year-old actor, “Hindi naman talaga maiiwasan, tao lang din naman kami.

“If you bash somebody, of course, the person is gonna react accordingly.

“E, wala naman sa lugar yung mga sinabi, mga binato kay Sofia, so nag-lash out siya.

“As in lash out, she posted it on Twitter.

“Give us some space naman, you don't bash people.

“Like, sinasabi na insecure daw siya. It's not nice, she's a woman.

"She's a girl, respect naman."

Nang tinanong ng mga reporter kung may insecurity pa ba si Sofia sa sarili, agad na sumingit si Diego, tumingin sa dalaga, at nagsabi: “Sa ganda niya, insecure pa ba?”

Pero, sagot ni Sofia: “Yung tiyan ko, yung braso ko, wala po akong baba. Yung hips ko, malaki.”

Habang itinuturo ni Sofia ang mga parte ng katawan na ikinai-insecure niya umano, muling sumingit si Diego at sinabing: “Perfect ka the way you are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN