John Lloyd Cruz and Ellen Adarna take a swipe at Lolit Solis

IMAGE Instagram

Without mentioning names, it is clear that John Lloyd Cruz and Ellen Adarna's Instagram posts alluded to talent manager Lolit Solis's claim that the couple are already preparing for their wedding this February. 


Nagpasaring sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis, na mas kilala sa showbiz circle bilang Manay Lolit.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Manay Lolit, kung saan ibinalita nitong naghahanda na umano sina John Lloyd at Ellen para sa kanilang pagpapakasal nitong "last week or either early February."

Pinabulaanan naman ito ni Beauty Gonzalez, malapit na kaibigan ni Ellen, nang makausap siya ng entertainment reporters sa farewell presscon ng Pusong Ligaw noong Sabado, January 6.

Tahasang sagot ni Beauty: “Di po sila ikakasal, wala pong kasal.”


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep
Beauty Gonzalez shuts down John Lloyd-Ellen wedding reports
Beauty Gonzalez shuts down John Lloyd-Ellen wedding reports

Nitong Linggo, January 7, parehong nag-update sina John Lloyd at Ellen sa kani-kanilang Instagram accounts.

Wala mang direktang pagbanggit ng pangalan o pagtukoy kung tungkol saan ang kanilang posts, malinaw na patutsada ito sa inilabas na balita ni Manay Lolit sa diumano’y pagpapakasal nila.

Unang nag-post si John Lloyd ng video na naglalakad sa dilim sa tila aisle ng isang garden-wedding set-up.

Caption dito ni John Lloyd: “take it, take it.”

Ganito rin ang ginawa ni Ellen nang mag-post siya ng video ng Instagram Story nakagaya ng ginawa ni John Lloyd.

Maririnig pa si Ellen na kinakanta ang wedding theme song at biglang sisigaw pagdating sa altar.

take it take it

A post shared by portal (@ekomsi) on

Malinaw na galit sina John Lloyd at Ellen kay Manay Lolit. Hindi kasi magaan ang kuwento sa likod ng "take it, take it."

Ang “take it, take it” ay naging catchphrase sa kasagsagan ng 1994 Manila Film Festival scam, na napatunayang pakana ni Manay Lolit.

Ang presentor sa awards night na si Miss Universe 1994 candidate Viveka Babajee ng Mauritius ang nagsabi ng "take it, take it."

Sinabi niya ito habang inaabot kay Rocky Gutierrez—kapatid nina Ruffa at Richard Gutierrez—ang envelopes na naglalaman ng pangalan ng mga tunay na nanalong Best Actor at Best Actress.

Sa halip kasi na sina Edu Manzano (para sa Zacarias) at Aiko Melendez (para sa Maalaala Mo Kaya The Movie) ang ianunsiyo bilang mga nanalo, ang tinawag sa entablado ay sina Gabby Concepcion at Ruffa, na magkatambal sa Loretta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Gabby ang paboritong alaga noon ni Manay Lolit, na siya ring nagsilbing talent coordinator sa awards night ng MFF.

Kasama nina Miss Mauritius at Rocky na nag-present ng awards si Gretchen Barretto, na tumayong "whistleblower" sa dayaang naganap.

Dahil sa scam na ito ay kinasuhan si Manay Lolit ng Violation of Sections 200, 315, and 318 of the Revised Penal Code, na committing acts of grave scandal, abuse of confidence, altering the substance of anything of value, and attempting to defraud or cause damage to others. 

Sa publiko, humingi ng patawad si Manay Lolit at hindi muna nagpakita.

Sa korte, matapos lumipas ng ilang taon ay na-dismiss ang kaso laban sa talent manager.

Samantala, wala pang direktang pahayag sina John Lloyd at Ellen tungkol sa pagdadalantao ng sexy star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN