Diego Loyzaga buries the hatchet with dad Cesar Montano: "I love my father."

by Arniel C. Serato
Jan 8, 2018
Normal lamang sa mag-ama ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Katulad na lamang kina Diego Loyzaga at sa ama nitong si Cesar Montano, na nagkaayos na matapos ang parinigan sa social media noong nakaraang taon. 

All's well that ends well na raw sa pagitan ni Diego Loyzaga at ng ama nitong si Cesar Montano.

Noong February 2017, sa pamamagitan ng Instagram, naglabas ng kanyang hinaing si Diego laban sa ama matapos siyang pagbantaan umano ni Cesar na ipapadampot sa pulis dahil sa paggamit daw ng bawal na gamot.

STORIES WE ARE TRACKING

Ayon kay Diego, ganun lang talaga ang mag-ama, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

“We’re okay naman. Nagkaroon lang kami ng kaunting problema.

"Pero ang ama naman at ang isang anak, we’re blood. Kadugo ko siya.

"And no matter… whether we like it or not... and I’m not saying we don’t, ha, kasi alam ko matu-twist-twist na naman, pero I love my father.

"And I know that he loves me.”

Nag-uusap na ba silang dalawa matapos ang kanilang parinigan sa social media?

"Oo naman," tugon ng 22-year-old Kapamilya actor.

Katunayan, binati raw niya ang ama nitong nakaraang Christmas at New Year.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Diego sa presscon ng pinagbibidahan nitong pelikula, ang Mama’s Girl, noong Sabado, January 6.

Kasama rin sa pelikula sina Sylvia Sanchez, Sofia Andres, at Jameson Blake.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Diego Loyzaga, Cesar Montano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Normal lamang sa mag-ama ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Katulad na lamang kina Diego Loyzaga at sa ama nitong si Cesar Montano, na nagkaayos na matapos ang parinigan sa social media noong nakaraang taon. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results